Lineysha's POV
"Oh ito tubig." Inabutan kami nang tig-iisang bottle of water ng police.
"Thank you po." I politely accepted mine.
"Shit ang sakit ng ulo ko!" Reklamo ni Critzel at sumandal sa dingding.
"Nasusu-Ackk!!"
"Oh gods!!" Agad na inalalayan ni Ciara si Asa patungo sa banyo para doon sumuka.
Napabunting hininga ako at napasandal na lang din atsaka tumama ang paningin ko kay Zia na nakayuko at nakapatong ang ulo sa braso niya na nakalagay sa hita nito.
Umiling-iling ako, hindi ko alam kung paano kami umabot sa ganito.
Nagpunta lang naman kami sa mall para samahan ang kapatid ni Kelis at nang makauwi kami ay na pagtanto namin na wala doon ang mga boys kaya naisipan nila na magpunta sa isang karaoke studio, usapan ay magkakantahan lang pero hindi nasunod iyon dahil kasama namin si Critzel at ayun na nga nauwi sa inuman.
Kung bakit ba naman kasi hindi kayang magsurvive ng anak ni Dionysus nang hindi nakakainom ng alak sa tuwing may kasiyahan.
Tapos ay nang magkatama na ay doon na nagkagulo ang lahat.
"Where are they?!" Napalingon ako sa pinto ng police station nang makita ang mga lalaki doon at parang nagliwanag ang buo kong mundo ng dahil doon.
"Here!" Kumaway ako sa kanila ng may malaking ngiti sa labi at sabay-sabay silang napalingon sa akin. Ngunit natigilan ako nang makita ang ekspresyon sa mga mukha nila. Para silang galit na nag-aalala.
"What made you think of drinking outside alone women?!" Galit na sigaw ni Harry na siyang gumulantang sa lahat ng tao dito sa station, agad na lumapit si Harry kay Ciara na kababalik lang galing C.R. Napalabi ako, galit kaagad sila? Hindi man lang nila ba kami kakamustahin?
"Hey...are you okay?" Hindi ko alam kung paanong biglang nanubig ang mata ko nang marinig ang malambing na boses na iyon ni Zayn, nakaupo na ito sa harapan ko.
Napahibi ako at dumamba ng yakap sa leeg nito.
"H-hey.." suminghot-singhot ako nang magsimula na akong umiyak.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako umiiyak, dahil siguro sa alak ito. Tama! Kasalanan ito ng alak! Bakit kasi siya nagpunta sa utak ko imbis sa tiyan ko?!
"A-ang-" hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa pag-iyak ko na hindi ko mapigilan sa hindi malamang dahilan. "Ang lilikot nila!!" Humagulgol na nga ako sa balikat nito.
"Shh.." pagpapatahan nito sa akin at hinahaplos-haplos pa ang likuran ko, dahil doon ay parang mas gusto ko pang umiyak. "Napagod ka ba?" Para akong bata na tumango-tango.
"O-oo." Narinig ko ang pagtawa nito kaya napalayo ako sa kaniya habang nakahawak pa rin sa balikat niya. "Bakit ka natawa?!" Imbis na tumigil ay tumawa pa ulit ito at pinisil ang tungkil ng ilong ko.
"You look cute." He stood up. "Stay there." Utos niya kaya na natili ako sa kinauupuan ko at pinanood silang kausapin ang mga pulis.
"Bakit niyo ho ba sila dinampot?" Tanong ni Isaac, his voice sounded calm but I could sense his irritation.
"Kasi mga Sir." At nagsimula na ngang magkwento ang pulis kaya napasimangot ako. "Mayroon silang hinampas ng bote sa ulo na customer doon, 'yung iba sinuntok sa tiyan, 'yung isa sinipa sa panga ayun wala pa ring malay." Kita ko ang pagkabigla sa itsura ng mga lalaki at bahagya pa silang lumingon sa gawi namin kaya nag kaniya-kaniya kaming iwas ng tingin.

BINABASA MO ANG
Depth Of The Abyss
Fantasy(Theddeus Trilogy #3) "If I reign, will I be able to love?" Meízon had faced various challenges, fighting against monsters, gods, and goddesses. Finding out the truth behind their existence and powers, but despite all of that they still find comfort...