Kylix Fox Lovereigh POV
"Anong pinag-usapan niyo ni Leigh?".
Tanong ni Deiwelle ng tuluyan akong tumigil sa harapan nila ni Rykie. Batid ko na ramdam nila ang tensyon sa pagitan naming mag kapatid dahil sa pagaalalang nababasa ko sa kanilang mga mata. Pinanood ko ng kaagad na tumakbo si Rykie papalapit kay Cyrine.
"Hindi ko alam kung anong mga pinag usapan niyong dalawa ni Leigh. Alam ko na nag aalala ka para sa kaniya pero sana intindihin mo kung bakit siya nag kakaganito". Mahinang anas ni Deiwelle ng akma ko sana siyang lalampasan. Bahagya akong natigilan upang inis siyang lingunin.
"If there's someone na dapat makaindi sa akin ay ikaw iyun, Deiwelle!". Mayriing asik ko bago siya pinanlisikan ng tingin. "Masiyado na siyang nilalamon ng galit at paghihiganti at pereho nating alam na wala itong magandang patutunguhan!".
"Kaya nga nangako ako sa'iyo na hindi ko siya pababayaan, hindi ba? Just like what you said.. Naiintindihan kita at alam mo na mahalaga rin siya sa akin. Just like how important she is to you, Kylix".
Bahagya akong natigilan bago mariing bumuntong hininga. Sa tigas ng ulo ni Cyrine at ng mga kaibigan niya ay nasisiguro kong wala naring silbi pa sa kanila ang mga sasabihin ko. Tuluyan akong bumaba sa Rooftop at lumakad patungo sa Hospital Area na siyang bahagi lang rin ng West Campus ng mapadaan ako sa History Class.
"Cyrine can you please get your books na? Nandito narin naman tayo sa History Class at Isa pa ambigat na kasi eh".
Rinig ko na pag rereklamo ng Kasama ni Cyrine na animoy hirap na hirap buhatin ang mga librong Dala.
"Nag rereklamo ka ba? Baka nakakalimutan mo na kung hindi dahil sa tulong ko ay tuluyan nang lumubog ang pamilya niya sa utang, Blair". Seryosong anas ni Cyrine na kaagad niyang ikinatahimik. Mariin kong naikuyom ang aking kamao sa labis na inis na muling bumalatay sa akin.
'Napaka sama talaga ng Ugali ng Babaeng ito! Kahit kailan ay hindi ka magiging isang tunay na Lovereigh dahil sa ugali mo!'
"Hey Cyrine.. Papunta dito yung kuya mo". Rinig kong saad ng Isa niyang kasama bago kaagad na inayos ang sarili. "He's really a sweet brother isn't he?".
"Syempre naman..". Buong kumpyansang anas ni Cyrine na akmang lalapitan ako ng walang imik ko siyang lampasan sa harap ng mga Estudyanteng nakatingin sa amin. Ramdam ko ang pagkabigla niya at maging ng kaniyang mga kasama subalit nasaan ang pake ko?
"Good morning doc Kylix..". Pag bati sa akin ng mga nurse ng tuluyan akong makarating sa Hospital. Tumango lamang ako at dumeretyo sa may office.
"Mukang badtrip ata ang genius doctor ng mga freshman..". Saad ni Dra Mindey bago bago inilapag sa table ko ang isang tasa ng kape. “It's black coffee..".
Bahagyang nangunot ang noo ko.
"E-Eh? Alam mo naman na hindi ako mahilig sa Black coffee Diba? Gusto ko yung may gatas".
"I know.. kaya nga yan ang binigay ko sa'iyo dahil alam ko wala kang hilig diyan hihihi!". Pang aasar niya.
"Tsss.. Ikaw talaga kahit kailan! Hyss!".
"By the way, How's your sister? I-I mean the real one". Ngumiwi siya.
I sight.
"Don't tell me ayaw niya paring bumalik sa Inyo?".
"Wala akong magawa sa katigasan ng Ulo ni Cyrine. I don't know what to do anymore to convince her". Problemadong anas ko bago mariing bumuntong hininga.
"W-Wait--What happened to your hand?". Takang tanong niya ng mapansin ang dugo mula roon. Doon ko lang napag tanto na nasugatan pala ako kanina pag sapak ko sa pader. Hindi ko na kasi napigilan ang aking galit dulot ng labis na pag-aalala para sa aking nakababatang kapatid.
"E-Excuse me Doc Kylix.. pwede ka po bang pumunta sa may Room 401? Absent po kasi si Doc Brio ngayon and wala rin po na bakanteng doctor maliban sainyo ni Dra Mindey".
"G-ganun ba?".
"No, Kylix.. ako nalang ang pupunta but before that kailangan ko munang gamutin ang sugat m----".
"It's fine Mindey.. Kakatapos mo lang sa isang Operation sa OR. Ako na ang bahalang tumingin sa pasyente".
Kaagad akong tumayo bago pansamantalang binalot ng benda ang aking kamay. Hindi naman dahil ayaw kong tulungan ako ni Mindey. Ang totoo ay hindi ako kumportable na mayroong ibang tao na humahawak sa akin.
"Let's go, nurse Khang". Nakangiting anas ko bago tuluyang lumakad palabas ng office. Agad akong pumasok sa Room 401 to check the patient. Bahagya ko na ikinagulat ng tuluyang makilala ang babaeng nakahiga mula doon.
"C-Channel Kim?".
Mula sa kaniyang record ay nabasa ko na Overdose ang sanhi kung bakit siya naka Confined. Ibat-ibang uri ng gamot ang ininom niya kung kayat tuluyan siyang nawalan ng malay.
'kung ganun ay tinangka niyang mag suicide..'.
Kaagad kong tinignan ang vital signs niya. Mahina ang mga iyun at hindi masiyadong ramdam subalit magka ganun man ay tiyak akong malayo na siya sa kapahamakan. Tinignan ko rin ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay mariing bumuntong hininga.
"Ano bang pumasok sa isip mo at tinangka mong kitilin ang sarili mong buhay?". Pag-aalalang saad ko sa mahinang paraan. Hindi ko maintindihan ang pag-aalalang nararamdaman ko sa mga sandaling ito.
'Naaawa ako sa kaniya...'.
"Alam kaya ni Cyrine na nasa Hospital ang dati niyang matalik na Kaibigan?".
Naalala ko tuloy iyung araw ng una naming pagkikita ni Channel. Malungkot rin siya noon at umiiyak dahil hindi siya sinipot ni Uno sa Engagement party nila. Simula rin ng araw na iyun ay hindi na siya nawala pa sa aking isipan. siguro dahil narin sa awa sa kaniya at sa pananabik ko sa aking kapatid na babae.
'Channel Kim.. Bakit ba tuwing nakikita kita ay palagi ka na lamang malungkot at nasasaktan? B-Bakit ba palagi mo na lamang akong pinag aalala ng sobra gayung hindi naman kita lubusang kilala..'
Mariin akong bumuntong hininga bago marahang hinawi ang buhok na siyang pumunta na sa kaniyang mukha. Namalayan ko na lamang na Unti-Unti ko na pala siyang pinag mamasdan. Tuloy ay huli na bago ko namalayang Unti-Unti narin pala akong napapangite at humahanga sa taglay niyang ganda.
![](https://img.wattpad.com/cover/373526115-288-k789809.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving my Ex-Boyfriend's brother (THE SEQUEL)
Fiksi Remaja"Life is Like a Gambling. It's up to you if you're gonna play with it or you're gonna let yourself lose the game and so does love". - Queen Leigh Hernandez/Cyrine Fox Lovereigh "Lying is part of our life. the more you lie the less you feel the pain...