Extra Special

23.1K 498 266
                                        

-🎄-

"Direk, magpapacheck lang po sana kami ng edits."

I paused from typing on my keyboard. Mula sa screen, napunta ang mga mata at buong atensyon ko sa kakapasok lamang na editor.

Inadjust ko ang eyeglasses ko at sinuri ng maigi ang video clips. Walang sira ang mga mata ko, I just use it for anti-radiation. Babad ang mga mata ko lagi sa screen, takot ko lang na masira ang vision ko at baka 'di ko makita ng maayos ang abs ng asawa ko.

"Yung ibang clips?"

"Editing pa po as of the moment," kamot ulo niyang sagot at may pag-aalinlangan sa kaniyang boses.

Napatingin ako sa orasan, it's five in the afternoon. Ngayon ang huling araw ng trabaho before we take our holiday break. Tinatapos lang namin ang natitirang mga episodes para i-ere sa susunod na linggo. But then, I guess, it'll be a take home assignment na for the team... which I highly discouraged kasi hindi naman dapat dinadala ang trabaho sa bahay.

"It's five, Flynn. I think you should go home," saad ko at ibinalik sa kaniya ang laptop.

"Take home nalang namin 'to, direk. Pasensya na."

I shook my head. "It's Christmas Eve mamaya, Flynn. Kaya pa namang mahabol 'yan after Christmas day," I encouraged. Napatingin din ako sa iba pa niyang kasama. They all looked tired and pressured.

Flynn and the rest of the team looked at each other. Parang tinatanong nila ang isa't isa kung sasang-ayon ba sila sa sinabi ko. I gave them a reassuring smile.

"Sige po, direk. Merry Christmas, ho." Ani Flynn at nagsibati na rin ang iba pa bago sila umalis ng studio.

As soon as they got out, I removed my glasses and massaged the bridge of my nose using my fingers. Sumandal ako sa upuan habang iniisip kung tatapusin ko ba ang ginagawa kong proofreading o ipagpapaliban muna ito.

Just as I was about to continue contemplating, niglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at inusisa.

Palangga is calling.

Kaagad kong sinagot ang tawag. I stood up and walked towards the window, putting the phone to my right ear.

"Hi, Boo." Malambing na bungad ko sa kaniya at sumandal sa likuran ng sofa.

"Palangga, pauwi ka na po ba?"

Napukaw ng mga busina mula sa kabilang linya ang atensyon ko. My eyes landed on the twinkling headlights below. Kita mula sa pwesto ko ang mga mahabang pila ng mga sasakyan.

"Hindi pa. I was finishing something when you called. How about you?"

"Kakalabas ko lang sa firm. Stuck in the traffic, Boo. On my way na sa'yo," tugon niya ngunit masyado akong distracted sa mga busina sa background.

"Let's meet nalang sa bahay, Langga. I brought my car naman."

"Susunduin ko pa rin ang asawa ko, that's my duty since June 15."

My lips curved into a smile. Ang sarap pakinggan ng salitang 'asawa', lalo na kung first love mo ang nagsabi nun sa'yo.

"Suit yourself, Boo."

"Let's cook when we get home. I already prepared the leche flan earlier," malumanay niyang saad mula sa kabilang linya.

"Eh? So, that's why you weren't there when I woke up kanina. Akala ko iniwan mo naman ako sa Christmas Day."

Tumahimik siya saglit sa kabilang linya. December has been the month for us. Ayoko mang alalahanin ang mga panahong 'yon, but it will always be a part of our story.

City Lights & Country Hearts (SS #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon