Chapter 26

2 0 0
                                    

Fear





Weeks past is so heavy for me. Sobrang ingay dito sa lugar nila Ate Helga. Kahit sa gabi ay may nag aaway, may nag sisigawan pa.

"Celine.." Tawag sakin ni Sheila.

Busy ako dahil ang daming project sa school. Buti na lang ay nag babayad parin sila Dad for my other needs.

"Come in,"

She slowly opened the door. Dumungaw lang siya sa pinto.

"Kakain na tayo, tara na." Pag aya niya sakin.

"Ano ulam?"

"Uhm... baka hindi mo gusto-"

"Ano nga?" Putol ko sakanya.

"Tuyo, tapos noodles." Nahihiya n'yang sabi.

Inayos ko ang mga libro ko, ganon din ang iba pang nakakalat sa kama.

"Okay, let's go." Hinawakan ko siya sa braso at kinaladkad pababa.

Nasanay narin ako na ganito ang ulam.

"Sigurado ka?" Nag tataka pa nitong tanong.

"Of course! Masarap kaya yon. And I ate noodles." Masaya kong sagot sakanya.

Hindi na lang siya sumagot at bumaba na lang ng hagdan.

"Masyado na tayong gipit, Helga. Kulang din yung sahod ko sa pang araw araw ng anak mo." Rinig namin ni Sheila. Dumalaw pala si Ate Helga dito.

"Hindi pa malamig ang ulo ng ama niya, dito muna siya pansamantala."

"Ilang linggo nayan dito, Helga. Balak ba n'yan na dito na tumira?" Diin niya.

Hindi kami umiimik ni Sheila sa isang gilid.

"Helga, isipin mo rin naman-"

"Isipin mo rin na kung hindi dahil sa kanila, hindi makakapag aral ang mga anak mo!" Putol ni Ate Helga sa asawa niya.

"I don't wanna eat, kayo na lang."

"Pero-"

"I'm fine, I'll text Sandy." Putol ko sakanya.

Iniwan ko siyang naka tayo doon. Ayaw pala sakin ng asawa ni Ate Helga, lahat pala ng pinakita niya sakin ay peke.

Hindi naman ako namimili ng ulam, kung ano ang binibili niya para sa kanila ay ayon din ang kinakain ko.

Pag pasok ko sa kuwarto ay kinuha ko agad yung phone ko sa kama.

Sandypanget: Girl, bring me food. Faster, I'm hungry.

Ang tagal niya bago sumagot.

Sandypanget: [Wala bang food dyan? Oo na!] Reply niya sakin.

Sandypanget: I think I should go back to my Dad's house na.

Sandypanget: [Alam mo ang kapalit pag bumalik don.]

Some bad ideas- Alam ko na ang idadahilan ko kala Dad.

Sandypanget: Edi sasabihin ko na hindi talaga ako mahal ni Yumo, diba we saw him last week in K's?

Agad naman siyang nag reply. Basta talaga chismis.

Sandypanget: [Oo? Pero diba sabi niya friend niya daw yon?]

Sandypanget: Kita mo ngang hinalikan niya si ate girl diba? And he kiss that girl in the lips. I have photos tho.

I was never yours (s2)Where stories live. Discover now