Hi, everyone! I can't believe we're already on the epilogue. I could still remember when I was so excited to write the first chapter of WUTS, and yet here we are now. This is my first time writing a long story with 60 chapters and I can't believe I made it.
But I would like to thank you all who have been here from the start of WUTS. Thank you for the active commentors and voters (I know you haha). And thank you to those who are silently reading (I appreciate you). All of you motivated me to make my updates faster. I hope you learned something from our LucLuc couple, and I would love to read what you learned from them on the comments<3.
Thank you very much. God bless you, and love lots <3.
—thorned_heartu
...
"Chopsticks?" tanong ko habang magkasalubong ang mga kilay at nakahawak sa isang paris ng chopsticks.
"Oo. Chopsticks," sagot naman ni Zevi sa akin.
Parehas kaming nakaupo sa harap ng counter.
"Eh, paano naging chopsticks ito eh hindi naman ito ginagamit panghiwa?" Kunot-noong tanong ko sa kanya tsaka pinakita pa ang chopsticks.
Dalawang beses siyang kumurap. "What? I don't get you?"
Hay. Alam kong matalino si Zevi pero madalas nakakapagod mag-explain sa kanya ng mga bagay-bagay kapag hindi niya gets, eh.
"Eh kasi, diba? Chop? Ibig sabihin ng chop, iyong putol o hiwa, diba? Chopsticks. Nakakaputol na sticks. Eh, hindi naman nakakaputol ito," wika ko habang hawak ang chopsticks at kunot ang noo.
Dahan-dahan siyang tumawa sa sinabi ko kaya natawa na rin ako.
"Gets mo?" tanong ko sa kanya habang tumatawa.
Tumigil siya sa pagtawa. "Hindi."
Nawala ang ngiti ko saka napakurap. Napabuntong-hininga ako.
Tangina. Wala na talaga siyang pag-asa.
"Z, why is this man here in my house?"
Bigla akong napalingon sa nagsalita. Si Philip na kakapasok lang sa kusina ay masama ang tingin sa akin.
Lagi naman siyang masama ang tingin sa akin kahit wala pa akong ginagawa. Kasalanan ko ba kung pogi ako?
"He has nowhere to go so I told him to stay here while he's here in La Seriah," sagot ni Zevi.
"Did Clovis ever gave you rights to let other men live here in his house?"
Napatingin ako sa babaeng hawak-hawak ang braso ni Philip. Mahaba ang maitim niyang buhok. Makinis ang kutis. Suot niya ay bestidang puti. Ang mukha niya ay sobrang liit. At ang labi niya ay mapula.
Sino itong magandang binibining ito? Bakit walang sinabi si Zevi sa akin na may anghel pala rito sa bahay niya?
Ramdam ko ang biglang paglakas na pagtibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan habang nakatingin sa kanya. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya dahil sa maganda niyang mukha. At ang boses niya ay sobrang sarap pakinggan sa hindi ko malamang dahilan.
Maganda siya. Bulong ng isip ko.
May boyfriend kaya siya?
Napatingin ako ulit sa kamay niyang nakayapos sa braso ni Philip. Biglang sumama ang mukha ko.
Bakit naman kapit na kapit siya diyan? May asawa na iyan, eh. Doon na siya sa walang asawa.
"I am just returning the favor to him. He helped me and gave me shelter when I had nowhere to go, back 3 months ago. He was there when I was alone. So, ako naman ngayon ang tumutulong sa kanya," wika ni Zevi na ngayon ay nakatayo na paharap sa dalawa.
YOU ARE READING
War Upon the Sunrise | HS Side Story
General Fiction(COMPLETED) WARNING: R-18 Luciana Rose Cambrige currently known as Luciana Rose Miller, the real heir of the Miller Company, thought that she will forever be in love with her childhood best friend whose now happily married. She gave up of the though...