Kabanata 3

34.4K 402 31
                                        

Happy new year, everyone!

Kabanata 3

"Anak lang ng kaibigan ni mama iyon. Ano bang problema mo ha?!" Napakislot ako dahil sa pagsigaw ni Greg.

I have to composed myself before speaking, I gather all the courage to speak in front of him.

"Anak ng kaibigan? Bakit kailangan na magkasama kayo ha?" I gritted my teeth.

"Saka bakit hindi ka man lang nagsabi sa akin?" Dugtong ko pa, nakakuyom na ang kamay ko dala ng matinding galit.

He clicked his tongue, "Kailangan ba sasabihin ko lahat sa’yo?!"

"I’m your girlfriend, Greg." Halos maubos na ang boses ko.

"Hindi naman lahat kailangan kong sabihin sa’yo." Ani niya na kinadurog ng puso ko.

Magsasalita pa sana ako pero tinalikuran niya na ako.

"Tangina..." Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko.

Ilang araw akong hindi pinansin ni Greg dahil sa nangyari sa amin. Akala ko susuyuin niya ako..

"Hindi ko rin siya papansinin," sabi ko sa sarili.

...

...

....

"Ate, may problema ba?" Nag aalalang tanong ni Logan sa akin.

"Wala." Nakangiti kong sagot sa kanya.

Sumingkit ang mga mata niya sa akin, "Weh?!"

"Oo nga. Lumapit ka na rito at tulungan mo ako." Aya ko sa kanya.

Pinag usapan na namin ang tungkol sa mga gagawin sa airlines.

"Kumusta naman iyong partnership natin sa mga Lewis?" Tanong niya sa akin.

"Doing well," I shrugged my shoulder.

Bigla ko tuloy naalala si Cloud, iyong pagbigay niya ng panyo palagi sa akin. Sa tuwing umiiyak ako.

"Magaling talaga sa negosyo iyong pamilya nila, tapos nasa larangan din sila ng pag aabogasya." Kwento niya sa akin.

"Chismoso ka talaga ‘no?" Pagbibiro ko naman.

"Luh si ate ang judgemental," ismid niya. "Kaibigan kasi ni Zach-beybe iyang magkapatid tapos si Elisse naalala mo? Lewis yun."

Umawang ang labi ko sa kanyang sinabi. "Woah! Too much information, huh?"

"Ganon talaga kapag gwapings ate," nag pogi sign pa siya.

"Ewan ko sa’yo! Wala namang connect." Napairap ako sa kanyang sinabi.

"Huwag ka ng magsalita, magtrabaho na tayong dalawa." Awat ko sa kanya no’ng akmang bubuka pa ang bibig niya.

Nagpatuloy kami sa pag uusap at pag aasikaso para sa airlines namin.

One week...

Isang linggo akong hindi pinansin ni Greg—walang tawag o text man lang na nagmula sa kanya.

"Kailangang magbati na kami," sabi ko sa sarili.

Hindi ko kayang tiisin si Greg. Masyado ko siyang mahal, na handa akong patawarin siya palagi.

Sino pa bang hihingi ng sorry sa amin? Ako pa rin. Okay lang sa akin iyon, basta umayos lang ang relasyon namin.

"I’m sorry, hon." Nasa harapan niya na ako ngayon.

"Sorry din. Bati na tayo ha?" Malambing niyang sabi sabay yakap sa akin.

Para akong nadarang ng maramdaman ang bisig niya sa akin. Konting suyo lang talaga niya bumibigay na ako.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now