Happy reading and expect errors 😚💜
Kabanata 17
"Ikaw talaga," pasimpleng kinurot ni Natasha ang kapatid ko. "Panira ka talaga palagi!"
"Ouch! Ouch!" napapikit pa si Logan ng pingutin ng asawa.
"Mommy, why are they fighting?" my daughter asked while sitting on Cloud's lap.
Umiling ako sa kanya ng nakangiti. "Hindi po sila nag aaway."
Tumango lang sa akin ang anak ko, pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"Tito Logan is so weird." She blurted out.
"Grabe ka sa akin alidapdap!" umawang ang labi ng kapatid ko habang nakahawak pa sa dibdib.
"Pagpasensyahan mo na iyong tito mo ha?" sabi ni Natasha sa anak ko. "May hangin kasi sa ulo 'to."
Mas lalong umawang ang labi ng kapatid kong sinalo ang ka-Oahan sa buong mundo.
Si Cloud ay natatawa lamang nanonood sa amin, hindi niya alintana ang bigat ng anak ko.
"Cloud, alagaan mo si ate at Daphne ha?" biglang sabi ng kapatid ko.
Seryosong seryoso ang mukha niyang nakatingin sa nobyo ko. "Saksi ako sa pinagdaanan nilang mag ina, kaya sana alagaan mo sila ha?"
"Makakaasa ka sa akin," nakangiting tugon ni Cloud. "Mahal ko ang kapatid at pamangkin mo."
Paiyak na sana ako pero naudlot na naman dahil sa siraulo kong kapatid.
"Sobrang tamis mo, Ulap! Pakiss nga!" pabirong sabi niya at nagtawanan kami.
Sabay sabay na kaming umuwi para ma-celebrate ang Valentines kasama si Mommy. Binilhan pa nilang dalawa si Mommy ng bulaklak.
"For you," inabot ni Louisse ang isang card at bulaklak sa anak ko.
"Wow! Thank you!" yumakap ang anak ko sa kanyang pinsan bago niya ilabas ang regalo.
Natutuwa akong makita kung gaano ka-close ang anak at pamangkin ko. Maigi na iyon para maprotektahan nila ang isa't isa.
Dito na natulog si Cloud sa amin at siya ang nagbasa ng bed time story para sa anak ko.
"Thank you," sabi ko ng nakangiti sa akin.
"I love you," nakatitig pa siya sa mga mata ko no'ng sabihin niya iyon sa akin.
"I love you too," I replied.
Hindi muna kami natulog kaagad sa halip ay pinili naming manood ng isang pelikula. Isang romance movie ang pinapanood naming dalawa.
"Ang lungkot ha?" nagpunas pa ako ng luha.
Masyado na kasing masakit iyong nangyayari sa mga bida dito sa pelikulang pinapanood namin.
"Shush," he wiped my tears. "Masyado ka namang nadadala sa pinapanood mo."
"Ang sakit kaya," humaba ang nguso saka humalukipkip.
Mahina lang siyang tumawa bago halikan ang tuktok ng aking ulo. Nagpatuloy kami sa panonood hanggang sa mapunta sa mainit na eksena ang dalawang bida.
Bumilis ang tibok ng aking puso, at nahuli kong nakatingin pa siya sa akin. Unti-unti ay naglapit ang aming mga mukha hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa akin.
Banayad ang paraan ng kanyang paghalik, na para bang ako ang pinakamahal na bagay sa buong mundo.
"Ang swerte ko," sambit niya habang magkadikit na aming mga noo.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
