Expect errors
Kabanata 9
"Sira!" mahina akong natawa dahil sa sinabi niya.
Pero mabilis ang pagtibok ng aking puso, yumuko ako ng saglit para pigilan ang nararamdaman.
"Let's do that," he said sternly. "Revenge on him."
"Baliw huwag na!" tanggi ko sa sinabi niya. "Saka ayaw naman kitang madamay sa nangyayari sa akin 'noh?"
"Bakit?" seryosong tanong niya habang nakapako ang mga mata sa akin.
"Syempre magkaibigan tayo. Ano ka ba?" napapailing ko na lang nasabi.
"Ah? Kaibigan," parang may kung ano sa tono ng kanyang boses.
"Oo kaya tara na kumain na tayo at nag aantay na sa akin ang anak ko."
Masaya kaming nagkukwentuhan ni Cloud habang kumakain, noong una ay sobrang ilang pa ako sa kanya pero kalaunan ay unti unti rin akong naging komportable.
Madalas niya akong kumustahin hanggang sa naging malapit na kaming magkaibigan.
"Salamat sa dinner," nakangiti kong saad.
Nasa loob na kami ng kanya kanyang sasakyan, ngumiti lamang siya sa akin saka tumango.
"Dito na ako ha?" paalam ko pa. "Ingat ka ha?"
"Ikaw rin pabati na lang ako kay Daphne." Sabi niya pa sa akin.
Nagmaneho na kaagad ako para makauwi na, sobrang naeexcite ako na makita ang anak ko. Dali dali akong bumaba sa sasakyan pagkarating ko sa bahay. Nag-spray na rin ako ng alcohol para matanggal ang dumi kahit papano.
"Magandang gabi po, Ma'am." Bati ng isa sa mga helper namin.
"Magandang gabi rin po." Bati ko ng pabalik. "Nasaan po si Daphne?"
"Ah nasa kwarto po nanonood ng paborito niyang cartoons."
Umakyat na kaagad ako sa kwarto namin ng anak ko, agad na nawala ang pagod ko ng makita siya.
"Hi, baby." bati ko sa anak habang nakatayo sa pintuan at nakasandal.
Lumingon siya sa akin ng may malaking ngiti sa labi. "Mommy! Mommy!" tumatalon talon pa siya ng makita ako.
"Did you miss me?" I asked when I went near her.
"Yesh," she said happily, encircling her tiny arms on my nape. "I mith you like a big tircol."
Natawa ako sa pagkabulol ng anak ko dalawang taon pa lang siya kaya hindi pa masyadong malinaw ang pananalita niya.
"How many times have you watched that?" I pointed at the TV.
She showed me her fingers making me chuckle. "Twinker bell and her fwends are tho cute mommy."
Napangiti ako sa sinabi ng anak bago kuhanin ang remote at patayin ang pinapanood niya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing.
"We have to eat na po. Mama Lola is waiting for us." I said softly.
"Okay mommy." She said while pouting her lips.
Nagpalit muna ako ng damit bago kami tuluyang bumaba ni Daphne sa dining room para sumabay kay Mommy.
"Mama Lola!" masayang sabi ng anak ko pagkapasok namin sa dining room.
"Hello apo ko," bati ni Mommy sa apo pagkalapit nito.
"Hi, ma." Bati ko rin sabay upo inaya ko na rin si Daphne na tumabi sa akin.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
