Kabanata 21

24.9K 350 21
                                        

Expect errors

Warning: Contains sensitive topic.

Kabanata 21

I couldn't breathe...

Everything felt empty...

My mom's death wrecked me inside. I lost someone important for the second time, and I could feel my heart shattering into tiny pieces.

"I'm sorry pero ginawa na talaga namin ang lahat," sabi ng doktor sa akin.

Walang tigil ang luha ko sa pag agos. Dinala na sa morgue ang katawan ni Mommy.

"Ate..." tawag sa akin ni Logan.

"Ate, anong nangyari?" tanong niya, namumuo na ang luha sa mata niya.

I covered my mouth to stop myself from crying, but my tears flowed rapidly.

"Si Mommy ate nasaan na? Si Daphne?" sunod sunod niyang tanong sa akin.

Parang may bigik na bumara sa lalamunan ko, hindi agad ako makapagsalita.

"S-she's gone..." my voice quivered. "W-wala na si Mommy."

Logan's eyes dilated, his mouth parted while looking at me.

"That's not true!" He shook his head.

Unti unti siyang napasalampak sa harapan ko.

Lumuhod ako para yakapin ang kapatid ko. Pangalawang beses na nawalan kami ng magulang.

"Ate..." Pagtangis niya sa balikat ko.

Sinabayan ko lamang ang pagdadalamhati niya. Sana panaginip na lang ang lahat.

Si Logan na ang nag asikaso sa lahat, kailangan ko kasing mag-focus sa anak ko.

"I’m sorry baby..." I cried in front of my daughter.

Ang daming nakakabit na aparato sa kanya na para bang doon na lang nakasasalay ang buhay niya.

"H-huwag mong iwan si Mommy ha?" pakiusap ko sa kanya, nanginginig ang aking boses. "H-hindi ko kakayanin na.."


Naiburol na ang katawan ni Mommy, pero hindi ko man lang siya mabantayan. Wala kasi akong aasahan sa pagtingin sa anak ko.

Head hemorrhage is the reason for her death.

"Ate, kumain ka na." dumating si Logan na may dalang pagkain.

I swallowed the lump in my throat.

"S-Sinong bantay doon?" tanong ko sa kanya. 

"Nandoon si Natasha saka iyong iba kong kaibigan," tugon naman niya. 

Namamaga rin ang mga mata niya. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. 

"Malalagpasan natin 'to, Ate," aniya sa mababang boses. 

Iyak ako nang iyak sa balikat ng kapatid ko, ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko. 

"Kumain ka muna bago ako umalis," nakangiti niyang sabi. 

"Ate, smile na! Ang pangit mo na!" pang-aasar niya, kaya nasapok ko siya. 

Pinakain muna ako ng kapatid ko bago siya tuluyang umalis. 

Halos hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Namamanhid na ako sa mga nangyayari. 

"Kumusta ho? May blood donor na ba?" sunod-sunod kong tanong sa doktor. 

Tanging pag-iling lamang ang isinagot niya sa akin. Sa totoo lang, nadudurog na ako. 

Nadala na ako sa nangyari sa anak ko. Sabi ko, gagawin ko ang lahat, huwag lang siyang mapunta sa ganitong sitwasyon. 

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now