Kabanata 22

26K 347 44
                                        

Expect errors :))

Kabanata 22

"P-paano mo nalaman 'to?" tanong ko kay Logan. Sa wakas, nahanap ko na ang aking boses.

"Kay Zach," sagot niya sa akin.

Mariin akong napapikit at ang mga luha ko ay tuloy-tuloy na umaagos. Ang sikip ng dibdib ko at parang tinatarak ito ng kutsilyo.

"Dapat nakinig ako sa kanya..."

Lumapit sa akin ang kapatid ko para aluhin ako. Kailan ba matatapos 'tong sakit?

"Sana mas nilawakan ko iyong isip ko. Sana hindi ako nagpadala sa trauma ko."

Hinaplos ni Logan ang aking likod at pinatahan ako. "Shush, ate. Your feelings are valid."

"Pero nasaktan ko siya! Nasaktan ko iyong lalaking mahal ako kahit na meron akong anak sa iba." Humikbi ako na parang bata.

"I'm here, ate." Ayan lang ang sinabi ni Logan sa akin.

Sa kalagitnaan ng pag-iyak ko, isang boses ang aking narinig.

"M-mommy..."

Parang huminto saglit ang mundo ko ng marinig ang boses ng anak ko.

"A-anak," dali-dali akong lumapit sa kanya.

"M-may masakit ba sa'yo? May gusto ka ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Nakatulala lang siya sa akin. "Mommy, why are you crying?" tanong niya.

Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi.

"Did I make you cry, mommy?" she asked softly.

"You're back, baby..." iyon lang ang naisagot ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko.

"Natakot si Mommy kasi akala ko iiwan mo din ako." Humigpit ang hawak ko sa kanya.

"I'm sorry, M-mommy..." She sniffed.

Hinaplos ko ang ulo niya bago ito halikan. "No need to say sorry, baby."

Tinawag na rin ni Logan ang doktor para ma-check ang lagay ng anak ko.

"Si Greg pala iyong donor niya," ani niya habang nakatingin lang kami sa ginagawa kay Daphne.

"Yeah," I said nonchalantly.

"Ano'ng desisyon mo?" tanong niya pa sa akin.

"Baka bigyan ko na ng pagkakataon iyong isa para maging ama sa anak ko, pero si Daphne pa rin iyong magdedesisyon." sagot ko sa kanya.

Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa aking balikat bago ako akbayan.

Lumapit na sa amin ang doktor para sabihin ang lagay ni Daphne.

"Everything is fine. Antayin na lang natin kung kailan siya pwedeng makalabas."

Nagpasalamat ako sa kanya bago lapitan ang anak ko.

"May gusto ka bang kainin?" tanong ni Logan sa pamangkin.

"I want Jollibee po." Sagot naman ng isa.

"Okay para sa pamangkin kong maganda." Sabi ni Logan bago umalis.

Kami na lang dalawa ni Daphne ang natira at halos hindi ko na siya mabitawan pa.

"I love you, baby," I said sweetly.

"I love you too, mommy," she replied back.

Pinaupo ko siya sa kandungan ko para mayakap siya ng mabuti—parang napakatagal niyang nawala sa akin.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now