Kabanata 12

30.7K 440 35
                                        

Happy Sunday

Kabanata 12

Hindi ko alam kung paano ako nahulog sa kanya. Sa tuwing nakikita ko si Cloud, parang tumitigil ang mundo ko. Corny, right?

"Okay ka lang?" inabot niya ang kamay ko, at agad akong nakaramdam ng init sa pisngi.

I shouldn't fall for him. May anak na ako, at siya naman ay binata. Maraming babae ang mas nararapat para sa kanya.

"Ang tahimik mo ata?" puna niya sa akin.

Ilang beses akong napalunok upang pakalmahin ang sarili ko. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko.

"May iniisip lang ako," sagot ko.

"Care to share?" tanong niya nang malumanay, pero umiling lang ako.

"Cloud," tinawag ko siya. Malambing siyang nakatingin sa akin. "I'm sorry."

Nakunot ang noo niya, at punong-puno ng kuryosidad ang mapupungay niyang asul na mata. "Sorry for what?"

"For using you," pinagdikit ko ang mga labi ko, kinakabahan. "Dinadamay pa kita sa ginagawa kong paghihiganti kay Greg."

"Okay lang iyon. Masaya nga ako na natutulungan kita," sagot niya sabay hawak ulit sa kamay ko.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga nang dahan-dahan kong tanggalin ang kamay niya mula sa akin.

Napag-usapan din namin ang tungkol sa ikatlong kaarawan ng anak ko.

"Iimbitahan mo ba siya?" tanong niya, tinutukoy si Greg. Agad akong umiling.

"Hindi naman siya kailangan doon," sagot ko, dahilan para mapatawa siya.

"Ako ba, invited?" tanong niya, sabay taas-baba ng kanyang kilay.

"Oo naman! Ikaw pa nga ang magsusuot ng mascot bilang Jollibee," pabiro kong sagot.

"Sayang hindi ako makakapunta," malungkot niyang saad. "Uuwi kasi ako sa Cebu."

I smiled at him. "Okay lang naman iyon."

Nagkatinginan pa kaming dalawa at sabay na ngumiti sa isa't isa.

Inasikaso ko ang lahat para sa magiging birthday ng anak ko hanggang sa sumapit na ang araw nito.

"Happy birthday, Daphne!" sabay-sabay naming bati sa kanya.

Nakapasuot siya ng kulay pink na dress at maliit na korona habang nakatayo sa gitna. Tinupad ko ang hiling niya—Jollibee ang theme ng birthday party niya.

"Wow! Jowibee!" turo niya nang makita ang mascot na pumasok sa loob ng bahay namin.

"Do you like it?" Hinaplos ko ang kanyang buhok.

"Yes, Mommy!" sigaw niya sa tuwa.

Inalalayan ko siyang bumaba upang makalapit sa mascot. Agad siyang yumakap dito.

"Hello!" bati niya rito nang masaya.

Hindi nagsalita ang mascot; tumango na lamang ito sa anak ko bago siya buhatin. Sa loob lang ng bahay namin ginanap ang birthday ni Daphne.

"Sino kaya ang nasa loob ng mascot na 'yan?" tanong ni Jane sa akin.

"Bakit?" sagot ko sa kanya. "Siguro isa 'yan sa mga empleyado ng fast food."

"Parang iba kasi ang kilos niya sa inyong dalawa ni Daphne," nagkibit-balikat siya.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang mascot at ang anak ko. Ibang-iba nga ang kilos nilang dalawa—parang magkakilala silang dalawa.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now