Kabanata 6

32.7K 449 58
                                        

Nakaka-stress 'tong plot, pero sige gaur lang si Cloud naman endgame.  🤪

Kabanata 6

"Hi," a man in his white dress shirt greeted me.

"H-hello." I smiled at him.

Inalis ko kaagad ang tingin sa kanya, pero nagitla ako ng umupo siya sa tabi ko.

"Pwede ba?" Tanong niya marahan akong tumango sa kanya.

Muli kong binalik ang tingin sa harapan para makinig sa nagsasalita.

"Boring 'no?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nagtama ang aming mga mata, ramdam ko ang pagpintig ng aking puso.

"Pasensya na ang daldal ko." He scratched his nape.

"Okay lang," nakangiti kong tugon.

"I'm Greg." He introduced himself. What's your name?" He asked softly.

Inabot niya na rin sa akin ang kanyang kamay na agad kong tinanggap.

"Reign." I said with a smile on my face.

Nasa isang auction party ako ngayon, imbitado kasi ang airlines kaya ako ang pumunta.

Sa akin pinasa ni Mommy ang posisyon niya bilang CEO.

Sanay naman ako kapag may lalaking nagpaparamdam sa akin, pero iba ngayon kinikilig kasi ako habang kausap siya.

"See you around, Reign." He told me.

Kinuha niya na rin ang cellphone number at socials ko.

Naging magka-chatmate kaming dalawa madalas kaming mag usap, hanggang sa umabot na lumalabas na kami.

"Reign," he started off.

I looked at him and I saw bullets of sweat on his forehead.

"Yes?" I arched my brow, waiting for his response.

"Ano iyon?" Tanong ko dahil hindi siya nakasagot agad.

He heaved a sigh before holding my palm, my hearts beats fast when he stared at me.

"P-pwede ba akong manligaw?" tanong niya na ikinabigla ko.

Napabitaw ako mula sa pagkakahawak niya, marahan kong kinagat ang ibabang labi.

Kung kanina ay mabilis ang pagtibok ng aking puso, ngayon naman ay mas bumilis ito.

"Pag iisipan ko muna." Nahihiya kong saad.

He smiled at me, "Okay. Aantayin ko ang sagot mo."

Pinag isipan kong mabuti iyong sinabi ni Greg sa'kin. Madalas siyang mag-text o di kaya'y magpadala ng regalo sa airlines.

Siya rin ang sumasagot ng mga gastusin sa tuwing lalabas kami.

Halos isang buwan kong pinag isipan ang tungkol sa sinabi ni Greg at sa huli ay pumayag din akong ligawan niya.

"Mahal kita, Reign." Pag amin niya.

"What?" I chuckled lowly, humawak pa ako sa dibdib pinakiramdaman ang pagtibok nito.

"I said I love you." Hinawakan niya ng kamay ko. "Handa kong antayin ang isasagot mo sa akin."

Pinakilala ko na rin siya kina Mommy at Logan. Dinala niya na rin ako sa bahay nila at doon niya ako unang hinalikan.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now