Expect errors :))
Kabanata 23
Nararamdaman kong umiikot ang sikmura ko sa sinabi ni Cloud sa matandang babae. Ramdam ko rin ang pag-init ng aking pisngi dahil sa matinding hiya.
"Anong hindi kilala? Hindi ka naman naaksidente, 'a?" mariing sambit ng matandang babae sa kanya.
Tinanggi niya lang talaga ako.
"Huwag kang ganyan, Cloud. Kausapin mo nang maayos," may bahagyang inis sa boses nito.
Napakamot siya sa batok. "Wala naman kaming dapat pag-usapan pa," sagot niya, walang emosyon sa kanyang mukha.
"Saan ka galing, ineng?" tanong sa akin ng matandang babae.
"Sa Maynila, po" mahina kong tugon.
Tumango siya saka bumaling kay Cloud. "Ang layo pa pala ng pinanggalingan niya, kaya mag-usap na kayo."
"Pero nay—" apila ni Cloud.
"Mag-usap na kayo!" madiing utos ng matanda.
"Lola, ayaw nga po ni Kuya Cloud," sabat naman ng babaeng katabi niya.
"Huwag kang makisali dito, Ara, ha? Halika na't umuwi na tayo para makapag-usap na sila," sabi ng kanyang lola habang hinahatak na ito palayo.
Nagpaalam na sila, at nang kami na lang ang natira, parang may dumaan na anghel sa pagitan naming dalawa.
"Why are you here?" he asked coldly, his eyes piercing through my soul.
There was no emotion written on his face, and his eyes said that I shouldn't be standing in front of him.
"I'm sorry..." Finally, I found my voice.
My heart was beating so fast that it felt like it was about to burst out of my chest.
"I'm sorry for hurting and judging you," ramdam ko ang kaba sa aking dibdib.
Nakita ko kung paano siya umiwas ng tingin. "Umuwi ka na!"
"Hindi ako uuwi hangga't hindi tayo nagiging maayos," sagot ko, puno ng determinasyon.
"Wala naman tayo, kaya ano pang aayusin, ha?" Bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya. "Hindi ba hiniwalayan mo ako? Kasi nga niloko kita. Kaya ano pang aayusin?"
"I know everything now," mahina kong tugon, hindi alam kung paano ipapaliwanag ang lahat.
Nakita ko ang pag awang ng kanyang labi habang nakatingin sa akin.
"Umuwi ka na!" Mariin niyang sabi sa akin.
"Basta hindi ako uuwi," ani ko pa sa mababang boses.
Tumalikod siya sa akin. "Ikaw ang bahala! Basta huwag kang umasa na gagawin ko pa iyong dati,"
Pinatuloy ako ni Cloud sa bahay na tinutuluyan niya, pero para lang akong hangin sa kanya.
"Cloud, kain tayo. Bumili pala ako ng almusal sa labas," nakangiti kong alok sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Dumiretso lang siya sa pinto at lumabas, hindi man lang ako nilingon.
Ginawa ko ang lahat para unti-unti niya akong mapatawad. Ako na rin ang naglilinis ng buong bahay niya, kahit hindi ako sanay. Kaya naman nagpapaturo ako kay Aling Lourdes, ang matandang babaeng
"Mahal mo si Cloud?" tanong niya sa akin isang araw habang tinutulungan ko siyang magligpit.
Marahan akong tumango, "Kaya gagawin ko po ang lahat para mapatawad niya ako."
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
