Kabanata 4

34.1K 510 53
                                        

Expect errors :)

Kabanata 4

Greg was right I should have trusted him. Isa pa ay wala naman siyang history ng pambababae.

On the other hand mas naging maayos ang partnership namin sa mga Lewis, dalawa o tatlong beses sa isang linggo bumisita si Cloud sa airlines.

Being the president of our company is really tiring, but at the same time I'm really enjoying it.

"Mataas ulit yung sales ng airlines, let's celebrate it." I told my family, I was grinning because of happiness.

Pakiramdam ko ay nagbubunga ng mabuti ang pagtutulungan naming dalawa ni Logan para patakbuhin ang kumpanyang iniwan ni daddy sa amin.

"Libre mo ba ‘teh?" Nakalolokong tanong ni Logan.

"Ano pa ba nga ba?" Sagot ko sa kanya, nag apir na rin kaming dalawa.

Sa isang fine dining restaurant namin naisipang pumunta para mag-celebrate, masayang masaya ang puso ko ngayon.

Kausap ko sa chat si Greg habang nasa sasakyan na ako.

"Pupunta rin pala si Greg." Sabi ko sa mga kasama.

"Mabuti naman kung gano’n," sagot ni Mommy sa akin, nakasandal siya habang nagbabasa ng libro.

"Inlove na inlove si rupok oh." Pang aasar ng kapatid ko sa akin, binaba ko ang cellphone at pasimple siyang inirapan.

He really knows how to tease me.

"Invite mo si Natasha para naman hindi ka mainggit," I stucked out my tongue.

"Edi wow ‘te!"

Mahina akong natawa dahil sa inakto ng kapatid ko. Pagkarating sa restaurant ay agad kaming dinaluhan ng waiter.

"Table for four, please." I said politely.

"This way, ma'am." Sabi nito sa amin.

Ramdam ko ang mga tinginan ng mga tao sa amin, marahil ay dahil sa kapatid ko. Gwapo si Logan at matikas ang pangangatawan.

"Ramdam ko maraming nakatingin sa akin kanina ang gwapo ko kasi." That's true, but I say otherwise.

"Assuming mo, pangit ka kaya." I snorted.

"Mommy si ate oh! Mali ang pagpapalaki mo dyan," umiling iling pa siya.

"Hay nako ang tanda niyo na para mag away pa," suway ni Mommy sa amin. "Mag order na tayo para makakain na rin."

Maya maya ay dumating na rin si Greg na may dala pang punpon ng bulaklak. Tumahip ang puso ko ng magtama ang aming mga mata, pakiramdam ko ay kakawala ito sa aking dibdib.

"Hi, hon." Nagbeso kami bago niya batiin sila mommy.

"It's nice to see you, Greg." Nakangiting bati ni Mommy sa kanya.

"Likewise, Tita." The latter said before sitting beside me.

Our dinner went well, I was so happy to see them talking.

"Logan, may problema ba?" Tanong ko sa kapatid.

"Wala ate," sagot niya pero iba ang nababsa ng mga mata ko. "Huwag mo ng intindihin ang kagwapuhan ko."

I just rolled my eyes with his remarks, he really knows how to change the mood.

Kay Greg na ako sumabay pagkauwi.

"Congrats, hon." He said sweetly before kissing me.

It was long and passionate, making my heart beats more.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now