Papunta na sa exciting part 🥰
Kabanata 18
Cloud let out a soft chuckle at my daughter's words as she looked at us innocently.
"Saan po? Sama ako para may kapatid na ako," pag-ulit niya pa.
Naiiling na lang ako habang lumalapit sa anak ko. "Hindi po kami galing sa pagawaan ng baby, at saka wala pong gano'n."
"Eh, saan po ako gawa?" tanong niya.
"Bigay ka po ni Papa God kay Mama, okay?" malumanay kong sagot.
"Ibig sabihin po, magkakaroon ako ng kapatid kapag binigyan na kayo?" muling tanong niya, at tumango lamang ako.
Lumapit si Cloud kay Daphne. "Kapag handa na si Mommy, saka ka magkakaroon ng kapatid. Sa ngayon, ikaw muna ang baby namin," sabi niya sa bata.
"At saka si Aero," dugtong ni Cloud sabay labas ng mini crochet doll na regalo ko sa kanya.
The three of us talked for just a moment, and the night was filled with nothing but happiness. I was completely lost in Cloud's love.
Pinunan niya ang mga bagay na hindi nagawa ni Greg no'ng kami pa. Ang sarap pala magmahal na wala kang iniisip masyado.
Ang sarap magmahal kapag alam mong mas mahal ka.
It has been a few days since Cloud and I celebrated our first monthsary. I thought we didn't need to celebrate it because of our age and work, but he still prepared a gift for me and even booked a date at a five-star restaurant.
I love being a mom. It was not in my plan, but God gave me my angel. My past experiences have taught me so much. It was painful, but it truly shaped me into who I am today.
"Mommy, can we play?" my daughter asked, holding onto my arms as if she wouldn't let me go.
"Mommy needs to work," I said softly, gazing at her. "How about I read your favorite bedtime story instead?"
"Okay!" she said, raising her thumb and smiling at me.
Hinalikan ko pa ang ulo ng anak ko bago tuluyang umalis sa amin. Wala siyang pasok ngayon, dahil naka-leave iyong teacher nila.
Papasok na sana ako sa airlines nang muli kong makita ang hindi ko inaasahan.
"Reign, bakit mo hindi binigyan ng karapatan ang anak ko?!" galit na tanong ng Mommy ni Greg.
Saglit akong huminto at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.
"Karapatan saan?" tanong ko habang nakataas ang kilay.
"Sa anak ninyo," matalim niyang tugon.
Mahina akong natawa sa narinig ko. "Ma'am, mawalang galang na po, pero wala pong anak sa akin ang anak ninyo."
"How dare you..." galit niyang singhal.
Kalmado ko siyang sinagot kahit na gusto ko siyang sampalin. "Ang batang sinasabi ninyo? Pinalaglag ko na, dahil iyon mismo ang gusto niya."
Hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing naaalala ko ang sinabi ni Greg kay Daphne noong nasa sinapupunan ko pa lamang siya.
"Umalis ka na dahil wala kang mapapala sa akin," sabi ko sa kanya sabay senyas sa isang gwardya.
Selfish na kung selfish, pero hinding-hindi ko bibigyan ng karapatan si Greg sa anak ko—kahit ilang beses pa siyang lumuhod sa harapan ko.
Ako ang ina ni Daphne. Ako ang nagluwal sa kanya. Kaya ako lang ang may karapatan sa kanya, kahit bali-baligtarin pa ang mundo.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
