Expect errors po
Kabanata 26
Wala na ako sa sarili ko, pero nagawa ko pa ring makaalis ng Cebu. Mabuti na lang at pabalik na rin sila Elisse at ang pamilya niya sa Maynila, kaya nakisabay ako sa kanila.
"Uminom ka muna ng tubig," sabi niya habang iniaabot sa akin ang bottled water.
Agad ko itong kinuha at ininom. Halos mabilaukan pa ako sa sobrang kaba.
Alas onse na ng gabi nang makarating ako sa Maynila. Agad akong nagpasundo sa driver namin.
Tinawagan ko si Greg at nalaman kong hinahanap pa rin niya si Daphne hanggang ngayon.
"Sorry," nakayukong sabi ni Greg.
"Ano ba kasing nangyari, ha? Kayo ang magkasama, 'di ba?!" Pinakalma ko ang aking boses.
"Oo, pero iniwan ko siya saglit dahil nagpabili siya ng cotton candy. Pagbalik ko, wala na siya sa puwesto niya," nahilamos niya ang palad sa mukha dahil sa matinding prustasyon.
"Nakapag-report ka na ba sa mga pulis?" tanong ko habang naglalakad na kami.
Umiling siya. "Wala pang 24 oras."
Napabuntong-hininga na lang ako. Binalikan namin ang park kung saan sila nagpunta kanina.
"Miss, may nakita ka bang bata?" tanong ko sabay pakita ng picture ni Daphne.
"Wala."
Kung sinu-sino na ang napagtanungan namin ni Greg.
"Magpahinga ka na muna," aniya.
"Sa tingin mo ba makakapagpahinga pa ako sa ganitong sitwasyon? Greg, nawawala si Daphne! Nawawala ang anak natin!" tumaas ang boses ko.
Nakatitig lang siya sa akin, saka hinawakan ang kamay ko. "Sorry..." bumaba ang kanyang boses.
Inalis ko ang kanyang kamay at nagpatuloy sa paglalakad.
Nagpatuloy kami sa pagtatanong sa mga nakakasalubong namin—sinabihan ko na rin si Greg na maghiwalay muna kami sa paghahanap.
"Daphne, anak!" sigaw ko sa madilim na kalsada.
"Anak, nandito na si Mommy!" garalgal ang boses ko.
"Anak, nakauwi na si Mommy! Please, lumabas ka na oh."
Nakaramdam na rin ako ng pagod at gutom, pero hindi ko na inalintana. Ang mas mahalaga sa akin ay makita ang anak ko.
Nakarating ako sa isang palaruan. Tanging paghinga ko lamang at ang tibok ng puso ko ang naririnig ko.
Bigla akong nakarinig ng iyak ng isang bata sa paligid. Saglit akong napahinto.
"Si Daphne..." Pamilyar sa akin ang iyak niya.
Agad akong kumilos para hanapin kung nasaan siya. Malawak ang paligid kaya paikot-ikot ako.
"Anak, nasaan ka?" sigaw ko. "Nandito na si Mommy!"
Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa isang slide.
Pumasok agad ako nang marinig na doon nagmumula ang iyak.
"Baby..." tawag ko sa kanya.
Unti-unti niyang iniangat ang ulo. Tanging liwanag mula sa buwan ang nagsisilbing ilaw para sa amin. Halos madurog ang puso ko nang makita ang itsura niya.
"Mommy!" umiiyak siyang lumapit sa akin.
Agad ko siyang sinalo sa isang yakap. Pinaupo ko siya sa kandungan ko para mapakalma siya.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
