Last 2 chaps before POV ng 2 ml :)
Kabanata 31
Ako na ang bumitaw sa yakap naming dalawa, may mga luha pa sa kanyang na mata na agad niyang pinunasan.
"Iyong apelyido pala ni Daphne," Ani ko.
"Gusto ko apelyido mo ang dadalhin ng anak natin," sagot niya sa akin. "Ikaw ang nagdala sa kanya rito sa mundo at mas nagsakripisyo."
"Pero—"
Pinigilan niya ako sa pagsasalita gusto ko na siya bigyan ng karapatan sa anak namin na mas maging ama.
"Kahit naman hindi kami magkaapelyido ng anak natin, ipapakita ko pa rin sa kanya iyong pagmamahal ko at pupunan ko lahat ng pagkukulang sa kanya," pagpapatuloy niya.
Tumango ako sa kanya ng may ngiti sa labi, ngiting maluwag na sa puso ko.
"Dito na ako ha?" paalam ko sa kanya, maliit pa akong ngumiti.
He nodded at me. "Be happy."
"I will, and I hope you find your own happiness too. Don't waste it," I said seriously.
For seven years, I had been in love with Greg. I always followed and understood him in every way I could. I loved him deeply and trusted him completely, never realizing that this would lead to my heartbreak.
I told myself that I would never forgive him, but I allowed my heart to process the pain and heal. In the end, I chose to forgive—for my own sake.
"Okay na?" tanong ni Cloud pagkalapit ko.
"Yes," sagot ko sabay kapit sa braso niya.
Hindi muna kami umuwi ni Cloud sa halip ay dumiretso kami sa isang food park. Natatakam kasi ako sa kakanin, nakaraang gabi ko pa iyon iniisip.
"Hindi ako mahilig sa matamis," tanggi niya no'ng susubuan ko siya ng pichi pichi.
I pouted and decided to eat it, but before I could, he took a bite of the food in my hand.
"Akala ko ba ayaw mo?" tanong ko, nagtataka.
"Gusto ko na pala siya," sagot niya saka inubos iyong pichi pichi.
Bumili na rin ako ng mga kakanin para ibigay sa mga kasama namin sa bahay at para ipadala sa kapatid ko.
"Mommy!" sumalubong si Daphne sa akin.
"Nandito po sila Tita Natasha," nakangiting saad niya.
"Hi, anak." hinaplos ko ang ulo niya.
Pagpasok sa loob ay nandon nga sila Logan at ang pamilya niya. Gumagapang sa sahig ang pamangkin kong si Skye na agad kong nilapitan.
"Yun may chibog!" rinig kong sabi ni Logan, panigurado inabot na sa kanya ni Cloud iyong mga dala namin.
"Bigyan mo sila ate ha?" lumingon ako sa kapatid ko ng magkasalubong ang kilay.
"Ano ako patay gutom?" laban niya.
"Bakit hindi ba?" sabat ni Natasha, kaya mas napabusangot na lang si Logan.
Buhat ko na ngayon si Skye at nilalambing panay siya hagikgik habang pinupugpog ko siya ng halik.
"Kapag lumabas na iyong pinsan mo, playmate kayo ha?" pagkausap ko sa kanya sa malambing na paraan.
She made a cute sound that swayed my heart, staring at me with her innocent eyes.
"Ate, baka mabigat na si Skye ha?" si Natasha na nakatingin sa amin ng anak niya.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
