Expect errors ;)
Kabanata 5
Umawang ang labi ko dahil sa ginawa ni Cloud sa kapatid niya, sapo pa neto ang noong natamaan ng kutsara.
"Hey, you two!" Mariing suway sa kanila ni Ma'am Sera.
Nagpalipat lipat ako ng tingin sa magkapatid, humarap si Cloud sa akin para humingi ng sorry.
"Palabiro talaga 'yang si Scott huwag mo na lang pansinin," ani niya.
Tumango lamang ako sa kanya bago sumimsim sa hawak kong kopita, muli kaming nagkatinginan at ako na agad ang nag iwas ng tingin.
I had fun talking with the people in this party; especially with the Lewis. Ang dami kong natutunan kay Ma'am Sera patungkol sa negosyo.
Gabi na nong matapos ang party nagmamadali pa akong kunin ang cellphone sa aking bag, para matawagan na si Greg.
"Busy na naman," bumusangot ako bago ipadyak ang isang paa sa sahig.
"Hey." I stopped in my tracks when I heard a baritone voice behind me.
"What's the matter?" Cloud asked, concern evident in his blue eyes.
"Nothing," I said with a smile, glancing briefly at my phone.
I heard him clear his throat, and when I looked up, I saw him staring at me.
"W-why?" I asked shyly.
He chuckled softly. "Nothing. Ingat ka sa pag-uwi," he said before walking away.
Pumara agada ko ng taxi para makauwi na sa hotel na tinutuluyan ko, sinubukan ko pang tawagan si Greg pero gano'n pa rin ang resulta.
I indulged in a milk and rose bath, accompanied by a glass of sparkling wine. I was scrolling through my phone when I saw a post from an acquaintance.
"Oh, she's married." I smiled when I saw a wedding photo of my old friend.
I ruined my friendship with them, because I chose Greg over them. Did I regret that? I don't know.
"Hays," I shook my head, trying to erase those old memories from my friends.
Umaga na nakatawag si Greg sa akin sa kadahilanang busy siya sa trabaho, muli ko na namang naintindihan iyon.
Hindi na rin muna ako umuwi sa Manila gusto ko munang mag-relax dito sa Cebu. Agad kong tinawagan ang secretary ko pati na sina Mommy para ipaalam ang tungkol doon.
"Please, hon. Come here." Kausap ko ngayon si Greg sa tawag.
"Pretty please?" I said softly.
"Sorry, hon. Busy talaga ‘ko." Sagot niya sa akin na ikinadismaya ko.
Binaba ko na ang tawag para makapag ayos na. Gusto ko kasing mamasyal dito sa Cebu saka para naman may memories din ako rito.
Una kong pinuntahan ang Cebu Metropolitan Cathedral para makapagsimba na rin. Nang matapos naman ang misa ay naghanap ako ng makakainan.
"Thank you," sabi ko matapos makuha ang order ko.
To: Kapatid kong pangit
*You sent a photo*
Ang sarap ng lechon
From: kapatid kong pangit
Ang sama ng ugali mo 'teh
Mahina akong natawa dahil sa reply ng kapatid ko, sunod sunod ko pa siyang sinendan ng pagkain para mas lalo siyang matakam.
"Ay palaka!" napatalon ako ng may humawak sa balikat ko. "C-cloud.."
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
