Warning: R18
Kabanata 30
I thought I would never find this kind of love. I thought being a mother was just my role, and I had already accepted that—until Cloud came into my life.
He showed me what love truly is. He loves me in the purest way.
Our love was challenged by many obstacles, but now we are engaged to each other.
Nagpalakpakan sila matapos kong sagutin si Cloud.
"Sweet naman ng daddy," hindi ko mapigilang mapangiti ng halikan niya ang tiyan ko.
Hinawakan niya ang kamay ko saka kami lumapit sa aming pamilya.
"So, kailan ang kasalan?" tanong ni Tita Sera. "Congrats, Reign." hinawakan niya pa ako sa braso ng nakangiti.
"Thanks po," tumango ako sa kanya.
Sinabi ko na gusto kong ikasal kapag nanganak na ako, ang hirap naman kasi na maglalakad ako sa altar tapos may bola ako sa tiyan.
"Ilang buwan na nga iyang tiyan mo?" tanong sa akin.
"5 months po," sagot ko. "Mag anim na buwan sa susunod."
Masaya kaming nag uusap ng mga magulang ni Cloud at nanonood lang siya sa amin.
"Magsabi ka agad sa akin ha kapag pasaway 'to?" turo ni Tita Sera sa anak.
Tinaas niya ang dalawang kamay ng natatawa.
"Good boy ako, ma!" sabi niya sa nanay, kaya nagtawanan kami.
Sobrang saya ng nangyari sa gender reveal/engagement namin ni Cloud.
"Sa wakas may kakampi na ako," si Logan habang nakaakbay sa kanyang asawa.
"Sino naman, aber?" taas kilay na tanong ni Natasha sa kanya.
Tumuro si Logan sa tiyan ko. "Iyong susunod na anak ni ate. Pinagdasal ko kasi na sana lalaki ang anak ni ate para may kakampi ako,"
Gabi na ng matapos ang party namin pagod na pagod ako kaya si Cloud na ang nag asikaso sa lahat.
"Mommy," lumapit si Daphne sa akin at naglambing.
"Hi, anak." sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko, nakangiti akong nakatingin sa kanya.
Lumapad ang ngiti sa aking labi nang hawakan niya ang tiyan ko at haplusin ito.
"Mommy, it's a boy." She said happily. "I'm so excited to meet him."
"For sure he's excited to meet his ate, too." I said sweetly, kissing the side of her head.
Maya-maya, dumating na rin si Cloud. Pawis na pawis siya, kaya agad akong bumangon.
"Kumusta?" tanong ko sa kanya, habang nakayakap na sa akin si Daphne.
"Okay na ang lahat," sagot niya, sabay tabing sa amin ng anak ko. "Pasali naman ako." Yumakap din siya sa akin.
Nasa magkabilang gilid ko silang dalawa at nagtatawanan. Hinawakan ko ang kamay ni Cloud at pinagsiklop ang aming mga daliri.
Nagpahinga lang kami sandali bago umuwi sa bahay. Pagkarating namin, agad kong inutusan si Daphne na umakyat sa kanyang kwarto upang makapagpalit ng damit.
"Ate, paakyat na lang po ng ibang gamit," utos ko sa aming helper.
Naglinis na rin muna ako ng katawan, at napapangiti ako tuwing natatanaw ko ang aking tiyan.
"Mon amour!" tawag ko mula sa loob ng CR.
Bumukas agad ang pintuan, at kita ang taranta sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
