Expect errors :)
Kabanata 19
Apat na araw lang kami nanatili sa Bali pero ang dami na naming nagawa ni Cloud. Sa apat na araw na iyon mas lalo ko siyang minahal
"Ang dami nating pasalubong sa kanila." Sumandal ako sa balikat niya.
"Are you happy?" he asked, filling the gaps between my fingers.
"Sobrang saya. Sana marami pa tayong mapuntahan na lugar na magkasama."
Naramdaman ko ang marahang pagdampi ng labi niya sa tuktok nang aking ulo.
"We will do that, together." He uttered softly.
Tanghali na ng makauwi kaming dalawa sa Pilipinas. Sa bahay ko na lang din muna siya pinatulog bago siya umuwi sa Cebu.
Ako ang unang nagising sa amin ni Cloud kaya naisipan ko na bumaba agad para maghanda ng merienda.
"Mommy, you're here po!" tumakbo palapit sa akin ang anak ko.
"Hi, baby." I hugged her tight.
Apat na araw ko lang siyang hindi nakasama, pero parang ang tagal tagal na non para sa akin.
"Mommy, I miss you so much po."
"I miss you too so much." I softly pinched the button of her nose.
Inaya ko na rin ang anak ko na pumunta kami sa kusina para paghandaan ng merienda iyong isa.
"Daddy Cloud!" masayang tili ng anak ko.
"Hi, Daphne." The latter greeted her.
Napangiti ako ng makita kung paano sila mag usap, tila ba may sarili silang mga mundo.
"Kain na tayo!" masaya kong nilapag sa harapan nila ang ginawa kong merienda.
Corn dog at orange juice ang merienda naming tatlo. Binigyan ko na rin iyong mga kasama namin sa bahay.
Inayos na rin namin iyong mga pasalubong na binili namin sa Bali para maibigay na sa mga pagbibigyan.
"Ingat ka ha?" sabi ko kay Cloud ng aalis na siya.
"I will," he said staring at me.
Isang malalim na pagbuntong hininga ang pinakawalan ko bago ngumiti sa kanya.
"Thank you," I told him.
He smiled at me. "Hmm, for what?"
"For everything. For loving me despite the fact that I already have a daughter," I said.
"I told you, I'm willing to be a father to your child, and it doesn't matter because you deserve to be loved."
Napayakap na lang ako sa kanya dahil sa tuwa, narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa bago ako yakapin ng pabalik.
"Sige na at baka mahuli ka pa sa flight." Sabi ko sa kanya.
"See you again," he planted a soft kiss on my lips.
Pag alis ni Cloud ay agad kong pinuntahan ang anak. Naabutan ko siyang naglalarong mag isa.
"Mommy, play?" hawak niya pa ang laruan ng lumapit sa akin.
"Okay po."
Nakipaglaro ako sa aking anak, at kumuha pa siya ng mga panali sa buhok upang itali ito sa akin.
"Pretty mommy ko," masaya niyang sabi nang matapos siya sa ginagawa niya.
Sunod naming nilaro ang lutu-lutuan—siya ang chef at ako naman ang customer. Naglaro rin kami ng bahay-bahayan, at hindi namin mapigilang matawa nang matawa.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
