Kabanata 25

30.6K 362 17
                                        

Warning: R18 

Kabanata 25

I cried even more when I finally heard that word from him. He was holding me gently, as if he were afraid of letting me go.

"Y-you love me?" My voice quivered. He nodded; his gaze softened.

Marahan niya pang hinalikan ang tuktok ng aking ulo bago siya tumayo at binuhat ako. Mahigpit akong nakakapit sa batok niya, patuloy pa ring nanginginig.

"I'm here," he said softly.

Umalis siya saglit, at pagbalik ay may dala na siyang first aid kit. Kinuha niya ang kamay ko at marahan itong ginamot.

"Takot ka sa dugo?" tanong niya, malamyos ang kanyang boses.

Hindi ako agad nakasagot.

"Okay, sabihin mo na lang kapag handa ka na," sabi niya no'ng hindi ako makasagot sa kanya.

Nang matapos ay kumuha naman siya ng tubig para ibigay sa akin. Nawala na iyong takot ko dahil sa kanya.

"Okay ka na?" malambing niyang tanong at tumango ako.

Tumayo ako nang mapagtantong hindi ko pa natatapos ang ginagawa ko. "Saglit lang, tinatapos ko pa iyong bananacue at camote fries."

Napasinghap ako nang bigla niya akong hilahin papunta sa kanyang tabi. "Dito ka lang." 

"Hindi ka na galit sa akin?" tanong ko, sabay kagat sa aking ibabang labi.

"Hindi naman ako galit sa'yo," sagot niya, tinitigan ako nang mariin. "Nagtampo lang."

Lumunok ako bago muling nagsalita. "S-sorry. Sorry kung nahusgahan kita."

"Okay lang," sagot niya, nakangiti sa akin.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na gano'n pala ang nangyari sa'yo noon?" Hinawakan ko ang pisngi niya, hinaplos ito nang marahan.

"Nakakahiya..." bumaba ang kanyang boses, at iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"A-anong nakakahiya?! Mas nakakahiya 'yong gumawa sa'yo no'n!" Napataas ang boses ko, ramdam ang galit sa aking dibdib. Napansin ko ang saglit na pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata.

Namuo ang luha sa kanyang mga mata. "Nakakahiya iyon kasi... kalalaki kong tao, nangyari sa akin iyon, hindi man lang ako nakalaban."

Tumayo ako at niyakap siya, hinayaan siyang ibuhos ang sakit na matagal na niyang kinikimkim. 

Hinayaan ko lang siyang umiyak sa akin, at hinayaan niya rin akong sumabay sa kanya.

Nang kumalma na kaming dalawa, umupo ako sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito nang mahigpit.

"Si Mildred ang gumawa sa'yo noon?" tanong ko nang mahina. Tumango siya, bakas pa rin ang sakit sa kanyang mga mata.

"Naiganti na kita," sabi ko sa kanya, dahilan para mapuno ng pagtataka ang kanyang mukha.

"A-anong ginawa mo?" nagtataka niyang tanong.

Ngumisi ako at iniangat ang aking palad. "Natikman niya lang naman 'to."

Saglit siyang natigilan bago malakas na humalakhak. "Nag-alcohol ka ba kaagad pagkatapos? Ang dumi kasi ng nahawakan mo."

Napuno ng tawanan ang loob ng kanyang bahay. Pareho na kaming nakangiti, para bang hindi lang kami nag-iyakan kanina.

"Saka na kita tatanungin kung bakit ka takot sa dugo ha?" sabi niya at marahan akong tumango.

Si Cloud na rin ang tumapos ng mga gagawin ko sana para sa kanya. Nakangiti ako habang pinapanood siyang nagluluto na para sa amin.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now