Expect errors :)
Kabanata 7
"Tara, kain na tayo," aya ni Cloud sa akin, kasabay ng marahang pagtapik sa balikat ko.
Ang bigat-bigat ng damdamin ko, parang may nagbuhos ng toneladang sakit sa puso ko. Pakiramdam ko, lahat ng problema ng mundo ay nakapatong sa akin.
"Kailangan mo iyon," dugtong niya pa, ang boses niya'y puno ng malasakit.
Napabuntong-hininga ako bago tumayo, kahit pakiramdam ko'y mabigat ang dinadala ko. Mahapdi ang aking puso. Sumunod kaagad ako sa kusina niya at naamoy ko kaagad ang mabangong pagkain.
Tila ba natakam ako sa mga sandaling iyon, kakain na tayo anak.
"Mukhang nagustuhan mo ah?" nakangiti niyang saad habang inaayos ang isang plato.
I forced a smile. "Yes, thank you."
Nagsimula kaming kumain. Hindi ko akalain na magiging ganito ang sitwasyon namin—kaming dalawa lang, magkatapat.
"Cloud," tawag ko sa kanya nang makita kong tila malalim ang iniisip niya habang nakayuko.
Ang laki ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi niya ako nakita baka ano nang nangyari sa amin ng anak ko.
"Why?" tanong niya, tumingala siya upang tingnan ako nang diretso sa mga mata.
"Thank you," mahina kong sabi, pero ramdam ang sinseridad. "Because you saved me. You saved us."
Kita sa mga mata niya ang gulat at kaunting pag-aalala. Umiling siya. "It's nothing. Saka ang bastos naman kung iiwanan kita sa ganoong sitwasyon."
Tumango tango lamang ako sa kanya habang humihikbi, hindi ko mapigilan ang emosyon ko ngayon.
Nagsimula siyang magkwento kung paano niya ako natagpuan, ngunit kahit sa simpleng pag-uusap ay ramdam ko ang pag aalala niya sa akin. Hindi siya nagtanong tungkol sa pinagdadaanan ko, pero ramdam kong kasama ko siya.
"Cry," mahina niyang sambit. "Ilabas mo iyan. Huwag mong itago."
Nagpigil ako, pero wala akong laban sa boses niya. Maya-maya'y tumulo na ang mga luha ko. Dama ko ang sakit ng mga alaala. Si Greg. Ang lahat ng pinagsamahan namin. Ang mga pangarap na sabay naming binuo at ngayo'y nawasak.
Kung paano niya ako sinimulang ligawan at pangakuan ng pagmamahal na dudurog sa akin ng sobra sobra.
Tahimik lang si Cloud sa tabi ko. Hindi niya ako inabala. Hindi siya nagsalita para sabihing magiging okay ang lahat dahil alam naming pareho na hindi iyon madaling sabihin, lalo na ngayon.
Tanghali na ng maisipan kong umuwi sa amin.
"Gusto mo bang ihatid kita?" tanong niya matapos ang ilang minuto ng katahimikan.
Huminga ako nang malalim at tumawa nang mahina. "Hindi na. Kaya ko naman na."
"Sure ka?" Tanong niya, bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Nakangiti akong tumango. "Kaya ko na."
Hinatid niya ako hanggang sa makasakay ako ng taxi. Habang papalayo kami, pilit kong pinipigilan ang pag-iyak. Pero hindi ko mapigilang haplusin ang dibdib ko, kung saan nararamdaman kong durog na durog ang puso ko.
"Ma'am, nandito na po tayo," narinig kong sabi ng drayber, dahilan para mapansin kong nasa harap na pala kami ng gate namin.
Agad kong inayos ang sarili at nag-abot ng bayad sa kanya.
"Bayad na po," aniya, nakangiti. Nagtaka ako.
"Binayaran po noong kasama niyo kanina," dagdag niya.
Si Cloud.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
