Gong xi fa cai!
Kabanata 11
I continued playing games with Greg and Tricia. It actually feels good to get back at the people who hurt you.
I'm just giving them a taste of what they did to me before. Honestly, what I'm doing to them now is nothing compared to the pain they caused me.
"Congratulations, Ms. Dawson." Bati sa akin ng isang host.
Umattend kasi ako sa isang business summit na kung saan kasama ko ang iba't ibang CEO at negosyante. Isa ako sa mga nakatanggap ng award para sa gabing ito.
I'm wearing a black backless velvet gown with a deep V neckline and a thigh-high slit. I paired it with a silver mini pouch and tied my hair in a simple ponytail. My blue eyes shimmered, completing the look.
"You're so gorgeous," Mrs. Chua complimented me.
"Thank you, madam." I said politely.
Naglakad lakad ako sa loob ng event hall ng makita ang hindi inaasahan.
"So, the bitch is here?!" Tricia mocked me.
"Are you talking with yourself?" I smirked at her.
"Fuck you!" She gritted her teeth.
Akmang sasampalin niya sana ako, pero naunahan ko siya at binuhos ko sa kanya ang wine na dala ng isang waiter.
"Ayan para naman luminis ka kahit papano," galit na galit siyang nakatingin sa akin habang ako ay nakangiti lang. "Ang dumi dumi mo kasi."
Rinig na rinig ko ang tunog ng aking takong habang naglalakad palayo. Nakaplastar pa sa labi ko ang isang ngiti, ngiti ng isang tagumpay.
Gabi na ng makauwi ako sa bahay namin sumalubong kaagad sa akin ang katahimikan.
"Ay puchang gala!" Napahawak ako sa dibdib nang gulatin ako ng magaling kong kapatid.
Tawang-tawa pa siya habang nakaturo sa akin, kaya agad ko siyang hinampas gamit ang hawak kong pouch.
"Kumusta, 'te?" tanong niya na parang wala siyang ginawang kasalanan.
"Okay lang, may award ulit," nakangiti kong sagot sa kanya.
Pumunta muna kami sa dining room para makapagpahinga saglit. Pasado alas-dose pa lang naman.
"Kumusta na?" tanong ko sa kanya.
"Olats pa rin, 'te, pero masaya pa rin ako," sagot niya. Kumunot ang noo ko.
"Kasi masaya si Natasha, ate, at sapat na sa akin iyon. Handa akong maghintay sa kanya, at kapag bumalik siya sa akin, hinding-hindi ko na siya sasaktan," aniya.
Nauna ng natulog si Logan sa akin habang ako naman ay nagpaikot ikot pa sa kama.
"Mommy..." niyakap ko kaagad ang anak ko.
Pinagmasdan ko ang mukha niya habang natutulog siya ng mahimbing, marahan ko ring hinalikan ang kanyang noo.
"Mahal na mahal ka ni mommy anak," iyon ang huling sinabi ko bago makatulog.
Tadtad ako ng text at missed calls mula kay Greg, pero hindi ko na lang pinansin ito. Sa halip ay mas pinili kong kausapin ang kaibigan na si Cloud.
"Say hi to Tito Cloud," I said to my daughter.
"Hi!" My daughter waved her tiny hands.
Nakangiti lamang ako habang pinapanood sila na nag uusap, mukhang komportable ang anak ko sa isa.
"Sunduin kita?" alok ni Cloud sa akin.
"Sure ka?" tanong ko at tumango siya sa akin.
Saglit pa kaming nag usap bago ko ibaba ang tawag. Inasikaso ko na muna si Daphne bago ako tuluyang pumasok sa trabaho.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
