Expect errors
Special Chapter
It's been years since I lived here in Cebu with Cloud and our children. I never thought a place could bring so much comfort to my heart.
Because of what I went through, I now believe in the saying that when God takes something away from us, it's because something better and simpler is meant to come. Sometimes, we get hurt so badly so that we can be led to the path that is truly meant for us.
"Mga anak tara antayin natin sa labas ang papa ninyo," sabi ko sa kanila ng nakangiti.
Ang bilis ng panahon ang lalaki na ng mga anak ko.
"Papa!" nagtakbuhan ang mga bata ng makita si Cloud na papasok sa gate namin.
Isa isang nagmano ang mga anak namin sa kanya, habang ako naman ay ngumiti lang sa kanya.
"Hi, kids." He greeted them with a smile. "May pasalubong si papa para sa inyo."
"Wow!" si Coraline na tuwang tuwa ng marinig ang salitang pasalubong mula sa kanyang ama.
Pinapanood ko lang sila na nag uusap, katabi ko si Daphne na nakangiti rin sa kanila.
"Tara na sa loob," aya ko. "Baka lumamig ang pagkain."
"Manang nakahanda na po ba ang mesa?" tanong ko sa katulong namin.
"Opo," sagot nito at nagpasalamat na rin ako.
Nagbilin na rin ako sa kanila na kumain muna sila ng mga kasamahan niya.
Pagkarating sa hapag ay agad na umayos ang mga anak namin. Nagsimula kaming nagdasal ng taimtim para magpasalamat sa pagkaing nasa harapan namin.
"In Jesus' name," I said wholeheartedly.
"Amen!" sabay sabay naming sabi.
Nagsimula na kaming kumain ng may ngiti sa labi, natuwa ako ng makita kung paano asikasuhin ni Daphne ang mga kapatid niya.
"Amore, here." Cloud placed the meat he had shredded onto my plate.
"Thank you," I smiled at him.
Pagkatapos kumain ay ako na rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Nang matapos sa ginagawa ay saka ako umakyat sa kwarto.
"How's your day?" tanong ko sa aking asawa pagkapasok ko sa loob ng aming kwarto.
"I need your hug," he answered like a child. "Pagod ako sa dami ng inasikaso."
Agad akong lumapit sa kanya para bigyan siya ng isang yakap, nagitla ako ng hilain niya ako pahiga sa kama. Kaya ang posisyon namin ngayon ay magkaharap na habang ang kamay niya ay nasa aking bewang.
"Huy!" nagulat ako ng mas yakapin niya pa ako ng mahigpit.
"Naglalambing lang," sagot niya sa akin ng natatawa at mas lalo niya pa akong niyakap ng mahigpit.
Hinayaan ko na lang si Cloud na gawin iyon sa akin, yumakap na rin ako sa kanya ng pabalik at naglambing.
Magkayakap kaming dalawa ng biglang pumasok ang tatlong bata.
"Sali ako," si Coraline na sumiksik pa sa gitna namin ni Cloud.
"Ano ba yan minsan na lang mayakap yung asawa ko may mga kaagaw pa," bulong ni Cloud kaya mahina akong natawa.
Inaya na rin namin si Callum, pero hindi siya pumayag.
"Ang chubby ni Coraline hindi na ako kasya dyan," si Callum.
"I'm not chubby duh! Healthy lang ako 'no," my youngest rolled her eyes.
"Callum, your mouth ha? Bad iyan." suway ko sa anak na lalaki.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
