Last part for Reign's POV. See you in wakas part po (POV ng 2 ML)
Kabanata 32
"Welcome baby Callum and Mommy Reign," sabay-sabay nilang sigaw pagkapasok namin sa hacienda ng mga Lewis.
Pagkatapos ng mahigit isang linggo na pananatili sa ospital, sa wakas ay nakauwi na rin kami. Sinigurado muna kasi namin ang lagay ni Callum bago kami tuluyang lumabas.
Bumungad sa amin ang napakagandang dekorasyon—mga lobo na may iba't ibang kulay at isang banner na may nakasulat na "WELCOME BABY CALLUM."
"Ang gwapo naman ng apo ko," masayang lumapit sa amin si Tita Sera, puno ng galak ang mga mata niya habang nakatingin sa apo niya.
"Thanks, Tita." I smiled at her.
"Mommy," she corrected me. "Call me, mom."
"Tawagin mo na rin akong daddy," sabat naman ni Tito Jake sa amin.
Tumango na lamang ako sa kanila ng nakangiti. Pinaakyat na rin ni Cloud ang mga gamit sa helper nila.
"Kain na tayo," aya sa amin ni Daddy Jake.
Nagdasal muna kaming lahat bago kami magsikainan. Ako na ngayon ang may buhat kay Callum, habang si Cloud ay sinusubuan ako.
"Daphne, anak. Kain ka lang dyan ha?" lumingon pa siya sa panganay ko.
Napangiti ako ng makitang tinutulungan din siya ni Erika sa pagkain.
"Thank you po," Daphne said.
Saglit na umiyak si Callum kaya agad ko siyang pinatahan. Sinamahan na rin ako ni Cloud sa taas para magpa-breastfeed, no'ng makatulog na si Callum ay pinatawag namin ang isa sa helper para bantayan muna ang anak namin.
Natuloy pa ang masayang selebrasyon namin, ang sarap sa pakiramdam na tanggap nila kami ng mga anak ko.
"Mommy, pwede ko rin bang tawaging pinsan si Solana?" lumapit si Daphne sa amin.
"Ah kasi anak," hindi ko alam ang sasagotin ko, nakakahiya naman kasi kung sasabihing kong pwede 'di ba?
"Of course," sumingit si Erika sa usapan.
"Yehey! May pinsan na ako ulit!" masayang tumalon talon si Daphne.
Nahihiya akong ngumiti sa kanila. "Pasensya na po, sabik kasi talaga siya sa mga kalaro kaya ganyan."
"Alam mo na, Kuya," napalingon si Cloud kay Scott, maski ako ay ganon na rin ang ginawa.
"Bakit?" taas-kilay na tanong ng katabi ko.
"Gumawa kayo ng basketball team para hindi maging sabik sa kalaro iyong anak ninyo," humalakhak na sabi ni Scott.
Dito muna kami tumuloy sa bahay nila Cloud para hindi ako mahirapan sa mga anak ko, nakakatuwa dahil sila Tita Sera mismo ang nag-hired ng helper para sa amin.
"Ayaw niya pong tumahan," inabot sa akin ni Kyla ang anak ko, siya iyong katulong ko sa pag aalaga kay Callum kapag wala si Cloud.
"Thanks," mahina kong sabi bago kunin ang anak ko
I couldn't help but to admire the little life in my arms, he looks so lovely and peaceful. I chuckled when he pouted a little and creased his forehead.
"Ang sungit naman," natatawang sabi ko ng makita ang reaksyon niya.
"Mommy, pwede po pabuhat?" lumapit si Daphne.
Tumango ako sa kanya, inutusan ko siyang umupo sa tabi ko at saka ko binigay ang kapatid niya sa kanya.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomansCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
