Expect errors :)
Kabanata 20
Nararamdaman ko na naman ang panibagong sakit. Akala ko hindi na mangyayari ito, akala ko hindi niya ako lolokohin, pero ginawa niya pa rin sa akin.
"Reign," humabol si Cloud sa akin.
Namumula ang kanyang mata dala ng matinding pag iyak. Hinawakan niya ang kamay ko bago ako yakapin ng mahigpit.
"P-please..." he cried on my shoulder. "P-please listen to me..."
Malakas kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin, isang sampal ang binigay ko sa kanya. Sunod sunod ko ring sinuntok ang dibdib niya.
"Manloloko ka! Ayokong makinig sa paliwanag mo!"
Nasasaktan siyang nakatingin sa akin. Sinubok niya pang makiusap pero buong buo na ang desisyon ko.
My tears flowed like a waterfall, and I could feel my throat drying up from crying so much.
Palagi na lang akong talo sa larong pag ibig.
Hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako, pasado alas tres na pala ng madaling araw.
"Good morning, Ma'am." Bati sa akin ng gwardya namin. "Wala ata si Sir Cloud?"
Nanuyot na naman ang lalamunan ko ng marinig ang pangalan niya. Hindi na ako nakasagot sa nasa harapan ko, dumiretso na lamang ako papasok sa loob.
Sana pala hindi ko na lang siya pinapasok sa buhay ko, sana pala hindi na lang ako nahulog sa kanya.
"Ma'am, nasa labas daw po si Sir Cloud," sabi ni Mira.
Nakuyom ko ang kamay ko dahil sa matinding galit, huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili.
"Pakisabi, busy ako!" matigas kong sagot, at agad niya itong sinunod.
"Ma'am, maghihintay na lang po siya," sambit niya pagkapasok.
Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho hanggang sa inabot ako ng gabi. Lumabas na ako sa opisina at siya ang bumungad sa akin.
"Kausapin mo naman ako..." pakiusap niya sa akin, nagmamakaawa.
"Ano pa bang dapat pag usapan? Ipapaliwanag mo na nagawa niyo iyon ni Mildred kasi lasing kayo?" sarkastiko kong sabi.
Marahas siyang umiling sa akin namumula na naman ang kanyang mga mata. Hindi siya nakasagot sa sinabi ko, takot rin ang nakita ko sa kanyang mga mata.
"Hindi ka makasagot? Kasi nga manloloko ka!"
"Alam mo kung ano iyong naranasan ko kay Greg noon 'di ba? Nangako ka na hindi mo ako sasaktan akala ko totoo iyon, kasi doon mo ako sinanay eh." Nagsimula akong humikbi sa harapan niya.
"Sa una lang talaga kayo magagaling!" pinunasan ko ang luha ko.
Tumalikod na ako pero naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko.
"D-don't leave me, please..." He cried like a baby. "H-huwag mo akong iwan."
"M-mahal na mahal kita.."
Tuloy-tuloy na umagos ang luha sa aking pisngi, at nasapo ko na rin ang aking bibig habang sabay kaming umiiyak. Unti-unti kong tinanggal ang braso niya mula sa bewang ko, at naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya.
"Huwag ka nang magpakita sa akin," malamig kong sabi sa kanya. "Maghiwalay na tayo, Cloud. Wala ka na ring dapat ipaliwanag."
Hindi ako nakinig sa sasabihin niya sa akin. Para saan pa? Eh niloko na niya naman ako. Pareho lang sila ni Greg.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
