Kabanata 29

27.4K 411 18
                                        

Expect errors po

Kabanata 29

For the last time, I was saved by the first man who owns my heart—the first man to whom I gave my heart and body.

My hands shook as I reached for Greg. He was unconscious, and the sight of blood on the floor made my head spin.

Tricia stared at us, stunned. She was about to run over when someone pinned her down.

"Let me go!" She screamed.

"Tricia, tama na!" awat ng lalaki sa kanya.

"Kuya, bitawan mo ako! Kailangan kong puntahan si Greg!" nagpumiglas si Tricia mula sa pagkakahawak ng kapatid niya.

Natulos ako sa aking kinatatayuan, hindi alam kung ano ang gagawin. Magkahalong emosyon ang bumalot sa akin—takot, pag-aalala, at pagkalito.

"Reign!" Humahangos na lumapit sa akin si Cloud at agad niya akong niyakap.

Nanginginig akong kumapit sa kanya. "Si Greg..." mahina kong sambit.

"Si Greg, tulungan natin siya," dugtong ko.
Hinawakan ko ang kwelyo ng kanyang damit habang tumutulo ang luha sa aking mga mata.

Tumango siya at marahang pinunasan ang luha ko. "Pasensya ka na," bulong niya. "Nahuli ako."

Binuhat na ako ni Cloud, at maya-maya lang, dumating na rin ang mga pulis upang hulihin si Tricia.

Dahil sa sobrang pagod, nawalan ako ng malay. Pagkagising ko, nasa ospital na naman ako.

Agad kong kinapa ang tiyan ko, at noong maramdaman ko ang umbok, guminhawa ang pakiramdam ko.

"Mon amour," narinig ko ang boses ni Cloud, kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Kumusta ka?" Tanong niya habang tumabi sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang ako," sagot ko nang nakangiti. "Si baby, nandito pa rin." Dinala ko ang kamay niya sa aking tiyan.

Namuo ang luha sa kanyang mga mata habang dahan-dahan siyang tumango. Muli siyang humingi ng tawad dahil nahuli raw siya sa pagligtas sa akin.

"Ssh, ginawa mo naman ang best mo. At saka hindi ka nahuli, okay?" Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito nang marahan.

Ligtas kami ng anak ko, pero si Greg ay nasa kritikal na kalagayan. Wala na akong nararamdaman para sa kanya, pero nag-aalala ako para sa anak namin. Siguradong masasaktan si Daphne kung mawala ang papa niya.

I couldn't bear to see my daughter cry; she's been through too much already.

Agad na nagsampa ng kaso ang pamilya ni Greg laban kay Tricia maski ako ay nagsampa na rin.

Isang araw pa ang nilagi ko sa ospital, dahil may mga tests pang kailangang gawin. No'ng uuwi na ay dumaan muna ako kay Greg.

"Lumaban ka dahil kailangan ka ng anak natin at saka salamat sa pagligtas sa akin," Iyon ang huli kong sinabi bago tuluyang umalis sa ospital.

Nakauwi na ako sa amin at todo bantay si Cloud sa akin. Ilang araw na ang nakalipas mula no'ng mangyari ang lahat, pero si Greg wala pa rin daw response.

"Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano," sabi ni Cloud habang nasa kwarto kami.

"Malalaman din naman natin ang lagay ni Greg, kaya huwag ka munang mag-alala, ha?"

Yumakap ako sa kanya at naglambing. "Thank you, and I love you!"

"I love you more," he answered back before kissing the side of my head.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now