Kabanata 14

30.9K 434 53
                                        

Birthday update, enjoy reading! 🫶

Expect errors

Kabanata 14

"I hate you so much! You hurt my mommy!" Daphne said angrily.

It was a sight to behold, knowing that my daughter loathed her father so much.

"A-anak..." Greg's voice cracked as he reached for Daphne, but she shoved him away.

I smirked while watching him try to please our daughter. I cleared my throat before speaking; it was time to pretend.

Iyak nang iyak si Daphne pero matalim ang tingin niya sa isa, lumapit ako sa kanya para aluhin siya.

"R-reign..." Greg called me.

"Pwede bang umalis ka na muna?" pakiusap ko sa kanya. "Nabigla kasi iyong bata kaya ganito ang naging reaksyon niya."

Sumisinghot singhot pa ang anak ko habang nakayakap sa akin, nakiusap pa si Greg sa akin pero tumanggi ako.

Paglabas niya ay agad kong inayos ang anak ko marahan kong pinunasan ang basang luha sa kanyang pisngi.

"Baby," I called her softly. She was holding onto me as if she would never let me go.

"Why did you say those words?" I asked calmly.

"Because he's a bad guy," she pouted her lips. "I talked with my yaya, and she told me that if a father is not around or never shows up, it's either because he's bad or he's gone."

Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niya sa akin. Hindi ko lubos akalain na iniisip na pala ng anak ko iyon. Hindi ko naman kasi nabanggit si Greg sa kanya—para saan pa? Eh hindi naman siya kailangan ng anak ko.

Masuyo kong kinausap ang anak ko para kumalma siya, at pagkatapos ay agad kong tinext si Greg para umalis na muna siya.

Maaga akong umuwi iniwan ko na lamang ang trabaho kay Mira, pagdating sa bahay ay nandon si Logan kasama si Natasha.

"Tito! Tita!" tumakbo ang anak ko palapit sa dalawa.

Agad naman siyang nagsumbong sa dalawa, natuwa ako kung paano nila patahanin ang anak ko.

"Nakita mo iyong pangit?" bulalas ni Logan kaya pasimple siyang binatukan ni Natasha.

Wala talagang araw na hindi niya nilalait si Greg dati napipikon pa ako sa kanya, pero ngayon tuwang tuwa ako kapag nilalait niya iyong tao.

Nagpaalam muna ako sa kanila para asikasuhin ang anak ko, tuwang tuwa ako habang nag uusap kaming dalawa.

"Baba na tayo anak," aya ko sa kanya no'ng kakain na kami ng hapunan.

Habang kumakain, pinag-usapan namin ang tungkol sa balak na pag-aampon nila ni Logan. Ayaw pa kasi ni Natasha na magkaanak muna.

Hindi naman kasi nasusukat ang halaga ng isang babae sa pagkakaroon ng anak.

"We will support you," Mom told them before glancing at me.

"Magkakaroon na ng playmate si Daphne namin," kiniliti ko pa ang anak ko.

"Really po?" tanong niya nang masaya.

"Yes, baby," sagot ni Natasha. "Pero matatagalan pa, ha? Kailangan pa kasing maging handa ni Tita," malambing niyang sambit.

Tumango na lamang ang anak ko sa kanya bago kami magpatuloy sa pagkain. Isang tawag ang natanggap ko mula kay Greg, at pinipilit niyang kausapin si Daphne.

"Hindi ka ba makaintindi?" matigas kong tanong sa kanya. "Kita mo naman ang naging reaksyon ng bata, hindi ba?"

"Nakita ko nga, ang pinagtataka ko lang, bakit ganun ang naging reaksyon niya?" Napairap ako sa sinabi niyang iyon.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now