Tw: Mentioned of r!pe and sensitive topics please read with caution.
Wakas (Part 2)
Cloud's POV
15 years ago
"Sigurado ka ba sa Manila ka talaga mag-aaral?" tanong ni Mommy sa akin.
"Yes," I replied.
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon at pinag-uusapan namin iyong tungkol sa pagpasok ko sa kolehiyo.
"Kaya mo na ba?" tanong ni Daddy sa akin.
Naiwan sa ere ang kutsarang hawak ko. "Kaya ko naman po."
"Basta anak, ha? Tatawagan mo kami kapag nando'n ka na. Gusto sana kitang pigilan, kaso ayoko naman maging hadlang sa gusto mo," ani ni Mommy.
Sa isang university sa Manila ko kasi naisipang mag-aral—nakapasa kasi ako sa entrance exam, kaya naman ginrab ko na agad ang opportunity na 'yon.
"Kuya!" tumakbo palapit sa akin si Scott.
Inayos ko ang suot na salamin bago humarap sa kanya.
"Aalis ka na?" tanong niya sa akin. Tumango lamang ako.
"Sama mo na ako!" Bahagyang humaba ang kanyang nguso.
Umiling ako sa kanya. "Hindi puwede, mag-aaral ako do'n."
"Edi do'n na rin ako mag-aaral," ngiting sabi niya sa akin.
"Hindi nga puwede," sagot ko sa kanya. "Saka wala tayong kasama na iba ro'n."
"Bakit naman? Mag-hire na lang tayo ng maid," pangungulit niya pa.
"If Cloud says no, then it's a no." Dumating si Ate Serenity.
Pinagalitan niya kaagad si Scott—siya kasi ang panganay sa amin.
"Ang taray talaga ni Ate, kaya wala iyang boyfriend 'e," sabi ni Scott, sabay sinundan pa ng tingin si Ate.
Mahina akong natawa sabay hampas sa braso niya. "Siraulo! Marinig ka talaga niyan."
Sinulit ko ang natitirang araw na kasama ang aking pamilya bago ako lumuwas pa-Manila.
Binilhan ako nila Mommy ng isang condo na malapit sa university na papasukan ko.
I wanted to discover something within myself, that's why I chose to study in Manila rather than in Cebu.
I want to explore and learn while I'm young.
"Cloud Alexander Lewis, 18 years old." I fixed my big and dorky glasses.
All of their eyes are fixated on me, as if I'm different among them.
"Mahilig kang magbasa ng libro 'no?" tanong ng isa sa kaklase ko.
Marahan lang akong tumango sa kanya. Ramdam ko ang mga tinginan nila sa akin, dahil sa porma ko ngayon. Madalas akong masabihang nerd ng mga kaklase ko kahit noong nasa Cebu pa ako.
"Kaya pala ang laki ng salamin mo." Sabay-sabay silang nagtawanan.
Nagsimula na ang buhay kolehiyo ko dito sa Manila. Ibang-iba sa buhay na nakasanayan ko sa Cebu. Dito, maingay, mausok, magulo. Kailangan kong maging matibay dahil mag-isa lang ako.
BS in Entrepreneurship ang kinuha kong kurso dahil iyon ang kailangan. Ako kasi ang tutulong sa negosyo ng aming pamilya kapag nakapagtapos na ako.
I was known as one of the smartest students when I was in high school, but college made me humble. Life here is very different; I was surrounded by the people who were also top students, and the pressure was overwhelming.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
Roman d'amourCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
