Expect errors
Kabanata 28
Nagising ako sa loob ng isang kwarto, agad kong naramdaman ang bigat ng aking ulo. Si Mira ang unang sumagi sa isip ko.
Hindi ko mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Bumangon ako, kailangan kong makaalis.
"Saan ka pupunta?" baritonong tanong ni Cloud. "Magpahinga ka na muna diyan."
"Pero kasi si Mira," apila ko sa kanya. "Siya ba talaga ang suspek?"
Hindi siya sumagot, sa halip ay hinalikan niya ang tuktok ng aking ulo.
"Huwag mo nang istresin ang sarili mo, ako na ang bahala sa lahat," nakangiti niyang saad.
Natahimik lang ako, pero napakalalim ng aking iniisip. Kung si Mira nga ang suspek... masakit sa akin iyon. At higit sa lahat, ano ang dahilan niya?
Magkatabi kami ni Cloud sa kama nang biglang pumasok ang isang doktor sa kwarto.
"Doc, kumusta?" tanong ni Cloud habang tumayo at lumapit sa kanya.
"Congratulations," sagot nito, sabay tingin sa akin. "You're pregnant..."
"I know," mahina kong bulong—ngunit nahuli nila pareho.
Napalingon si Cloud sa akin, seryoso ang kanyang tingin. "Alam mo?"
Dahan-dahan akong tumango, at sabay na nahulog ang kanilang mga panga. Natatawa na lamang ang doktor bago umalis ito.
"Why didn't you tell me right away?" he asked me gently.
"I was going to tell you... it was supposed to be a surprise," I murmured.
Inabot niya ang kamay ko. "May gusto ka bang kainin? Masama ba ang pakiramdam mo?"
"Okay lang ako," pinisil ko ang kamay niya sabay ngiti.
Nagpahinga lang ako sandali bago naisipang pumunta na kami sa presinto. Habang nasa sasakyan, pinag-usapan namin ang nangyari kanina.
"Si Mira ba talaga?" tanong ko sa kanya.
"Malalaman mo rin," tanging sagot niya.
Pagdating sa presinto, agad kong nakita si Mira na nakaupo sa loob ng selda. Tahimik lang siya, walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha.
"Hindi siya ang suspek," lumapit sa amin ang isang pulis. "Iyong mga ebidensya, malayo sa kanya."
"Salamat," sagot ni Cloud, at tumango lamang ang pulis bago lumayo.
"Pwede ko na ba siyang makausap?" tanong ni Cloud sa isa pang pulis, na agad namang tumango bilang sagot.
Ilang sandali pa, inilabas si Mira mula sa selda, at lumabas na rin kami ng presinto. Ang bigat ng lahat para sa akin.
"Mira, sorry..." Nagulat ako sa sinabi ni Cloud. "Nasaktan ka ba?"
Umiling lamang si Mira. "Ayos lang naman po ako, Sir. Medyo natakot lang." Mahina pa siyang tumawa.
"A-anong meron?" Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, ramdam ang pagkalito.
"Iyong mga tunay na suspek, mahirap mahuli dahil may kasabwat silang ilang pulis," paliwanag ni Cloud. "Kaya pinakiusapan ko Mira—ang dami kasing pekeng ebidensya."
"Peke?" mas lumalim ang pagtataka ko.
"Umamin ka nga, Mira. Ano ba talaga ang nangyayari? Bakit niyo 'to ginagawa?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomanceCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
