Simula

90.6K 844 126
                                        

Uy mag-hello na tayo kay second lead 👀 

Hello, I know fiction lang ang stories but I want mine to stay grounded with reality you will encounter scenes here na nakakainis talaga, pero let's be real maraming ganyan in real life. Iyon lang happy reading <33

Simula

"Meeting adjourned," I said to my staff.

Isa isa silang lumabas sa conference room, habang ako naman ay nanatili pa ring nakaupo.

"Thanks," I said firmly while typing on my phone.

"Saan na po dadalhin yung mga papers?" tanong niya habang hawak ang papel.

"Pakilagay na lang muna sa drawer," ngumiti ako sa kanya.

Pinag usapan kasi namin ngayon ng mga staff ang tungkol sa airlines. Kailangan naming dagdagan ang mga benefits ng pasahero.

Kasalukuyan akong nagpapahinga no'ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Napangiti agad ako ng makita na ang boyfriend ko ang tumatawag.

Honey calling...

"Hon," iyon agad ang bungad niya pagkasagot ko sa tawag.

"Sorry katatapos lang ng meeting namin."

"It's okay," napangiti naman ako sa sinabi niya. "Let's have a date?"

"Okay sunduin mo ako?" malambing kong tanong.

"Sige antayin mo ako dyan. I love you!"

"I love you too—"

Siya na rin ang nagbaba ng cellphone, inayos ko na ang sarili para antayin ang boyfriend ko.

Pitong taon na ang relasyon namin ni Greg, nagkakilala kami dahil sa isang business conference. Maayos naman ang relasyon namin dahil hindi sumasakit ang ulo ko sa kanya.

"Saan ka 'teh?" tanong ni Logan pagkapasok sa loob ng opisina ko.

"May date kami ni Greg," nakangiti kong sagot.

"Ikaw na munang bahala dito ha?" tinapik ko pa siya sa balikat.

"Te may date din kami ni Natasha!" rinig kong sigaw niya pero hindi na ako lumingon.

Nag antay lang ako sa lobby maya maya lang din ay dumating na si Greg may hawak pa siyang bouquet ng bulaklak.

Yumakap ako sa kanya at napansin ko ang amoy ng kanyang damit. Amoy pabango ng babae.

"Bakit amoy babae ka?" naningkit ang mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Sinubukan ko kasi iyong pabango ni Georgina," pagtukoy niya sa nakababatang kapatid.

Nanatili akong nakatingin sa kanya at doon niya na hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.

"Alam mo namang hindi ko magagawa sa'yo iyon diba?" malambing niyang tanong.

Oo nga naman! Sa ilang taon namin ni Greg never kaming nagkaroon ng issue pagdating sa babae—kaya nga buong buo ang tiwala ko sa kanya. 

"I'm sorry," humingi ako ng paumanhin sa kanya.

"It's okay, hon. I understand." He said sweetly.

Lumabas na kami sa airport na pagmamay ari ng pamilya ko. Sa isang restaurant kami pumunta ni Greg para kumain.

"Gusto ko kapag nagpakasal tayo sa bahay ka lang," sambit niya.

"Huh? What? No!" I protested.

For years, I've been the one running the company, so I'm used to working every day.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now