Happy heart's day, everyone! Here's a valentines update for you.
Expect errors
Kabanata 16
My mouth parted in shock when I saw him lying on the ground, I kneeled down to touch his face and wake him up.
"Hey," I called him softly.
I caressed his face while looking at him, this man loves me despite my status. He accepted me wholeheartedly, without hesitation, without doubt.
Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya, pero mas lamang sa akin iyong gisingin siya sa maayos na paraan.
Marahan ko siyang ginising habang nakaukit ang ngiti sa aking labi.
"Mon amour..." His raspy voice made my heart leap.
His blue eyes stared at me, filled with love and admiration.
"Okay ka lang?" malambing kong tanong, at tumango siya sa akin.
Umayos siya ng upo bago abutin ang kamay ko, nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Bakit ka naman hinimatay?" pigil-tawa kong tanong.
"Huwag mo na ngang ipaalala," umiwas siya ng tingin, kaya sinundot ko ang kanyang pisngi.
"Bakit nga?" pangungulit ko.
Hinuli niya ang kamay ko at tumitig sa aking mga mata. "Syempre sinagot mo na ako eh ang tagal ko kayang inantay 'to," sagot niya sa akin.
"Inantay? Huh?" nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.
"I've been waiting for you for years," he said, and my eyes widened even more.
"Years? W-what do you mean?" I stuttered, my heart pounding rapidly in my chest.
Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya ako sa pagtayo. Umupo kami sa sofa bago niya itinuloy ang sasabihin.
"Gusto na kita mula noong college pa tayo," sabi niya.
Kung kanina ay mabilis na ang tibok ng aking puso, ngayon ay mas bumilis pa—parang gusto na nitong kumawala sa aking dibdib.
"College? Paano?" tanong ko, habang hinawakan niya ang kamay ko.
"Crush kita. 'Di ba ikaw yung Miss Entrepreneur?" tanong niya, at tumango ako.
Kinuwento sa akin ni Cloud ang tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na matagal na pala niya akong kilala, mula pa noong college.
"Hindi ka nakapagtapos doon? Bakit?" tanong ko.
"Sa Cebu ko na lang ipinagpatuloy. Gusto kasi ni Mommy na bumalik na lang ako doon," sagot niya. Tumango lang ako bilang tugon.
Nagkwentuhan pa kaming dalawa, hawak pa rin niya ang kamay ko habang nagsasalita.
"Bakit hindi mo ako nilapitan noon?" tanong ko sa kanya.
"Ang taas mo kaya, at saka nahihiya ako," sagot niya, may maliit na ngiti sa labi.
"Gusto ko kasi munang magsikap bago kita abutin, kaso pagbalik ko, kayo na ni Greg."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Pero tayo naman na ngayon, 'di ba?" tanong ko nang nakangiti, sabay sandal sa balikat niya.
"Hindi ka napagod na hintayin ako?" tanong ko, tumingala upang tingnan siya.
Ngumiti siya at umiling. "Bakit ako mapapagod? Ang tagal kong ipinagdasal na maging akin ka—"
"Dinasalan kita ng latin para maging akin ka," sabi niya kaya natawa ako.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomansaCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
