Kabanata 8

33K 510 62
                                        

Expect errors ;)

Kabanata 8

"Here's your baby ma'am," inabot ng nurse sa akin ang anak ko.

Kusang nawala ang pagod ko ng makita siya, we survived together.

"I love you! I love you!" I said sweetly, tears were forming in my eyes.

Walong buwan lang ang anak ko, hindi ko na kasi kinaya pa. Dumating na rin si Logan na galing pa sa flight niya.

"Ang ganda naman ng baby namin." Malambing niyang sabi habang nakatingin sa anak ko. "Kumusta ate?" tanong niya.

"Okay lang," nakangiting tugon ko. "Medyo pagod pero masaya naman."

Ngumiti siya sa akin bago ibalik ang tingin sa anak kong mahimbing na natutulog. Maya maya lang din ay dumating na si Mommy kasama ang helper namin.

"Congrats, anak." Hinaplos niya ang buhok ko bago halikan ang tuktok ng ulo ko.

"Thank you, ma." I said softly.

Daphne Ysabelle Dawson.

Ayan ang pangalan na sinulat ko, isa isa ko na ring finill up-an ang mga kailangan sa birth certificate.

Father:

Humigpit ang hawak ko sa ballpen ng dumako ang paningin ko sa mga salitang iyon, naging madiin ang pagsusulat ko sa parteng iyon.

Father: Unknown

Tulad ng pinangako ko hindi siya kikilalaning ama ng anak ko, hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon na masilayan ito.

"Okay na po?" sabi ng nurse sa akin at tumango ako.

"Thank you." I told her.

Pag alis ng nurse ay agad lumapit sa akin ang kapatid ko, tinanong niya kaagad kung ano ang apelyido ni Daphne.

"Of course, It's Dawson."

"Mabuti naman kung gano'n." seryosong tugon niya. "Akong bahala sa inyo ni Daphne ha?"

Tumango na lamang ako sa kapatid bago hawakan ang kamay niya, sobrang laki ng pasasalamat ko kay Logan. Siya kasi yung naging sandalan ko talaga, silang dalawa ni Mommy. Muli niyang inahon ang airlines mula sa pagkakalugmok nito.

Isang linggo rin ang nilagi ko sa ospital dahil kailangang i-monitor ng anak ko. Bumisita na rin ang mga kaibigan ko sa akin. Nakakatuwa na muli kaming nabuo.

"Ninang kami ha?" sabi ni Jane sa akin.

"Oo naman," tugon ko. "Saka sorry pala."

Nagkatinginan silang tatlo nakagat ko pa ang labi para pigilan na naman ang emosyon. "Sorry kasi tinaboy ko kayo noon. Sorry kasi pinutol ko iyong pagkakaibigan natin ng dahil lang sa lalaki."

Lumapit si Bea sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Huwag ka ng umiyak, okay? Saka hindi naman kami galit sayo."

"Mas galit kami sa ex mong kupal," litanya ni Paula na may kasama pang pag irap.

"Nagmahal ka lang Reign lahat naman tayo nabubulag, kaya ngayon ang gawin mo maging matatag para sa inyo ng anak mo," payo naman ni Jane sa akin.

Nagbigay na rin ng regalo ang mga kaibigan ko para sa anak ko, pagkauwi sa bahay ay nakahanda na ang nursery room para kay Daphne.

"Thank you, ma. Thank you, Logan." Sabi ko sa kanila ng nakangiti, buhat ko ngayon si Daphne.

Hirap na hirap ako sa mga unang araw dahil nga first time mom ako. Wala rin masyadong umaalalay sa akin kapag gabi kaya talagang puyat ako.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now