Warning: R18
Kabanata 13
Nanlalaki ang mata ko sa narinig mula kay Cloud, at naramdaman ko ring parang umikot ang sikmura ko.
"Etong babae na 'to, gusto mo?" tanong ni Tricia habang nakatingin sa akin, sabay tawa na nakakainsulto.
"Wala ka bang taste?" dugtong pa niya.
"Alam mo kung sino 'yong walang taste?" nakangising tanong ni Cloud sa kanya. "Si Greg, kasi pumatol siya sa kagaya mo."
Dahil sa sinabi ni Cloud, galit na galit si Tricia, samantalang ako, hindi ko maiwasang mapangiti.
"Hindi pa ako tapos sayo, Reign. Hindi pa." pagbabanta niya bago umalis sa harapan namin.
Saglit ko pang tinanaw si Tricia habang paalis sa lugar, napahugot ako ng hininga nang tuluyan siyang mawala sa paligid.
My heart raced when I looked at Cloud, and our eyes met. The way he looked at me was full of sincerity.
"Reign," he called my name in a soft voice. "Let's talk in the car." He added, and I just nodded.
He likes me? How? Why? When did this happen?
"Iyong tungkol sa sinabi ko kanina," panimula niya, at tumango lamang ako.
Napahugot siya ng isang malalim na hininga bago muling magsalita, at hinawakan niya ang kamay ko, na siyang nagpasabog muli ng puso ko.
"Totoo iyon," pag-amin niya. "Gusto talaga kita."
Napakagat ako sa ibabang labi. "Kailan pa?" tanong ko.
"Matagal na," sagot niya. Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niyang iyon. "Gusto na kita kahit noong kayo pa ni Greg."
"Kaya ba inalok mo ako ng ganon?" pagtukoy ko sa pagganti namin, tumango lamang siya.
Kaya pala ibang iba iyong kinikilos niya sa akin.
Ilang beses akong lumunok para palakasin ang loob ko para umamin sa kanya.
Pwede naman siguro 'di ba? Umamin na rin naman siya sa akin.
"I have something to tell," I bit my inner cheeks.
"What is it?" he hummed.
"I like you-"
Nakita ko ang pag awang ng kanyang labi, ang mga mata niya ay punong puno ng kasiyahan.
"Pero Cloud hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon, alam mo naman iyong dahilan 'di ba?" sabi ko sa kanya at tumango lamang siya sa akin.
"Mag aantay naman ako at saka may papabagsakin pa tayong dalawa." Aniya at napangiti na lamang ako.
Nagawa kong umamin sa kanya sa kabila ng pangangamba na meron ang puso ko.
"Uuwi na muna ako sa Cebu tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka." Sabi niya sa akin.
Nasa harapan na kami ng bahay namin pero hindi pa rin ako bumababa sa sasakyan.
"Sige na at baka hinahanap na ako ng anak ko." Nakangiti kong sabi sa kanya. "Ingat ka sa biyahe ha?"
Isang lingon pa ang ginawa ko sa kanya nang makababa ako sa sasakyan niya, sabay kaming ngumiti sa isa't isa—ang gaan ng pakiramdam ko Cloud. Sana balang araw hindi na ako matalo sa salitang pag ibig.
"Mommy!" yumakap kaagad si Daphne sa akin. "Mommy look po very good ako."
"Wow!" umupo na ako at tiningnan ang mga sinulat niya. "Halika nga anak," aya ko sa kanya.
YOU ARE READING
Loving in Despair (CEBU SERIES #2)
RomansaCebu series # 2 Louisiana Reign Dawson is not only beautiful but also highly successful in the business world. However, when it comes to love, she has always been vulnerable. She's the kind of woman who would give everything for love, but her world...
