Kabanata 24

27.1K 396 32
                                        

Kabanata 24

"Huwag mo sabihing nagselos ka kay Ivan?" panunukso ko sa kanya matapos ang halik na iyon.

Binasa niya ang ibabang labi saka nag iwas ng tingin sa akin.

Nagseselos siya, tama! Hindi siya aakto ng ganito kung hindi naman.

"Huwag mong sabihing nag-assume ka sa ginawa ko?" balik tanong niya, walang bakas ng pagbibiro sa mga mata niya.

Nag init ang sulok ng pisngi ko dahil sa hiya.

"Don't assume, Reign. Wala lang sa akin iyan!" sambit niya bago ako talikuran.

Naramdaman ko na naman ang pamilyar na hapdi sa aking dibdib.

"Ang assuming mo kasi," natawa ako sa sarili, pero tumulo na naman ang luha ko.

Tinawagan ko si Greg para makausap ang anak ko.

"Mommy, how are you?" my daughter asked me sweetly.

"Okay lang si Mommy. Ikaw ba?" magkaharap kami ngayon sa camera.

"Binilhan po ako ni Papa ng mga new clothes," kwento niya bago bumaling sa ama niyang nasa tabi niya.

"Baka naman sobrang spoiled na ni Daphne ha?" striktang sabi ko kay Greg.

Mahina siyang natawa sa akin. "Ngayon na nga lang ako nakabawi sa anak natin."

"Basta huwag mo siyang i-spoil, 'a?" malumanay kong tugon.

Nakangiting tumango lang siya sa akin, pinagpatuloy na namin ni Daphne ang pag uusap.

"Si Daddy Cloud po nasaan?" tanong niya.

"He's busy," I told her, she pouted her lips.

Mahaba pa ang pinag usapan namin ng anak ko—ang dami dami niyang kwento sa akin na nagpagaan ng loob ko.

"Sige na anak baka may gagawin pa kayo ng papa mo." paalam ko kay Daphne.

"Good night po, mommy!" nag flying kiss pa siya sa akin.

"Good night, anak." nakangiti kong tugon.

The night was gloomy, and the house was eerily quiet. I sat alone in the middle of his living room, hurt by the fact that the kiss meant nothing to him.

"Hindi ako uuwi," tumayo ako habang kinakausap ang sarili. "Hindi ka uuwi, Reign! Hindi!" Paulit-ulit kong sambit.

Ako lang ang kumain ng langkang ibinigay sa akin ng nanay ni Ivan. Hindi ko maiwasang maluha dahil namimiss ko si Mommy.

Wala na kasing magluluto para sa akin—hindi kagaya noon na kapag may gusto ako, nandiyan si Mommy.

"Bakit ka umiiyak?" Nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Si Cloud—may hawak siyang pinggan habang nakatingin sa akin.

"Ha? Hindi 'noh!" Agad kong pinahid ang luha saka suminghot bago ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Narinig ko ang pag-isod niya sa upuan at ang pagkalansing ng kutsara't tinidor.

"Penge ako," turo niya sa pagkaing nasa tabi ko. Agad ko namang inilapit ito sa kanya.

"Bakit ka ba pumunta kina Ivan?" Napalunok ako dahil sa paraan ng kanyang pagtingin.

"Gusto ko lang," kibit-balikat kong sagot.

Wala lang naman sa kanya iyong halik, edi wala. Narinig ko ang paglapag niya ng kutsara, umigting ang kanyang panga.

"Bakit hindi ka pa kasi umuwi sa inyo?!" Walang emosyon ang kanyang boses.

"Hindi ako uuwi hangga't hindi tayo nagkakaayos," sagot ko, sabay kuha sa baso sa tabi ko para uminom ng tubig.

Loving in Despair (CEBU SERIES #2)Stories to obsess over. Discover now