Ilang beses na nyan nababasa ang loveletter na nakita nya sa locker nya seven years ago,
Pero di pa rin mawala wala ang kilig at pagka amuse na nadarama nya,
Lalo na sa itinawag nito sa pangalan nya,
Tama nga sya nun nakita ko ang loveletter na may pangalan na MAYA,Tumingin muna sya sa paligid nya at baka may nagjojoke sa kanya,
Pero wala naman katao tao kundi sya lang kaya dala ng kuryosidad ay nagkibit balikat na lang sya at binasa ang loveletter kasi eto ang unang loveletter na natanggap nya sa buong buhay nya,
Di naman kasi sya kasing sikat kapares ng Pinsan nya na pinaglihi sa roman gods sa kagwapuhan at kakisigan siguro kasi imported si Tita Nette kaya ganun.
Half spanish kasi ang huli,Magkasing edad lamang sila pero si Seb kahit high school pa lang nakikita munang magiging pantasya ng kababaihan idagdag pa na napakatalino nito minsan nga naiisip nya na siguro tulog sya ng magsalo ang diyos nang biyaya at gising si Seb kaya sya ang nakasalo,
Ang mga magulang ko nga laging bukam bibig na ganito si Seb, ganyan si Seb magka age naman kayo ba't di mo gayahin si Seb lalong lalo na si Papa,
Kaya nga napuno na ako at last year binagsak ko ang mga subjects ko kaya di ako nakagraduate at eto umulit ako sa huling taon ko sa highschools.As expected nagalit talaga ang parents ko,
Sa galit nila inalisan nila ako ng allowance at muntik pa nga akong masuntok ni Papa tapos si Mama nahighblood nagalit nga ang kapatid ko na sumunod sa akin na si Beatriz at inaway away ako kaya napuno na ako at naglayas ako at sinubukan na humingi ng tulong sa mga akala ko ay kaibigan ko pero wala ni isang naawa sa akin at naisip ko na sarili ko lang ang kakampi ko,
Hanggang makilala ko siya,Tandang tanda ko pa yun gabi na iyon pagod na pagod na ako at gutom na gutom pa idagdag pa ang sama ng loob ko sa mundo kasi pakiramdam ko ako na ang pinakaaping tao sa mundo,
Nagulat pa nga ako nang mapansin na napunta na nga ako sa isang park nakakita ako ng swing dun at dahil pagod na pagod na ako that time ay napaupo na lang ako dun at umiyak nang umiyak malakas ang loob ko kasi wala naman akong nakita ni miski isang tao dun...."Kuya why are you crying?" Maang na nagtaas ako nang tingin at nakita ko ang isang dalagita na matanda lang yata ako ng mga dalawang taon.
Agad na pinunasan ko ang mukha ko at ngumiti ng pilit dito.
Di ko makitang mabuti ang mukha nito madilim kasi pero mukhang maganda ito base sa nakikita ko sa tulong ng ilaw sa may poste tapos ang buhok nito ay naka pigtail na may kulot sa dulo tapos naka bestida na kulay yellow at naka ballerina shoes ito tapos may maliit na bag ito na nakasublit sa balikat nito at ang nakakatuwa pa ay may nakasubong lolipop ito sa bibig."Naglalabas ka ba nang sama ng loob?"
Tanong uli nito nang di ako sumagot dito dun sa unang tanong nito.
Di ako sumagot uli dito pero napatango ako dito.
Umupo ito sa tabi ko pagkaraan ay naglabas din ito nang panyo at nagsimula nang umiyak sa pagkagulat ko,"T--teka Bata wag kang umiyak please naman oh tumahan ka na" natatarantang pinunasan ang mga luha nito pero ngumiti lang ito at niyakap ako.
"Kuya malungkot ka di ba?"
"O--oo"
"Kaya ka umiiyak di ba?"
"O--oo"
"Tapos kuya mag isa ka lang dito di ba?"
"O--oo"
"Kaya sasamahan na lang kita sa pag iyak mo kuya" kusang tumulo muli ang mga luha sa mga mata ko dahil sa pinakitang concern nito sa akin kahit di nya ako kilala.
Naisip ko na buti pa ang di ko kilala may concern sa akin samantalang yun mga taong kasama ko buong buhay ko wala,
Napaiyak na nang tuluyan ako at nakigaya ulit ang bata na ito.