Chapter 24.1

2K 82 4
                                    

"What's that Yaya?" Tanong ko sa isa sa mga yaya ko sabay turo sa isang kahon na inilabas nito mula sa attic.

"Hindi ko din alam Artemis  ang laman nyang kahon inutusan lang ako ni Mam Sabrina na itapon ang mga nakalagay dun kasama na yan" paliwanag nito.

"Ah....okay" dala ng kuryosidad ay kumuha ako ng gunting  binuksan ko ang kahon.

Tumambad sa akin ang mga laruan na nakabalot sa mga plastic.

Agad na nagningning ang mga mata ko nang makakita ako ng tirador at mga holen.

"Wow mga jolen gusto ko ito!" Bulalas ko at buong kasabikan na tumingala sa yaya ko.
"Yaya akin na lang etong box please" malambing na pakiusap ko dito.

Nagpunas ito ng pawis at tinanguan lamang ako.

"Yehey!" Sabik na pumalakpak ako at binuhat ang kahon at pumasok na sa kwarto namin ni Maya.

Sumalampak ako ng upo sa sahig at isa isang tinanggal ang mga laruan sa kahon.

Habang inihehilera ko ang mga laruan sa carpet at matiim na pinagmasdan ang mga ito.

At habang masayang pinagmamasdan ang mga ito ay may mga eksena na nabanaag ako.

Isang batang babae na umaakyat sa sanga ng puno at namumukol ng mga ibon gamit ang isang tirador.

Pagkatapos isang eksena pa ulit na may mga holen na nilalaro eto at maya maya pa ay nagagalit na ang isang babae na kamukha ni Mommy sa batang babae pero didila lang ang bata pagkatapos ay tatakbo ito sa likuran nun lalaki na kamukha ni Daddy.

Meron pang mga sumalit na iba pang eksena gaya ng may hawak ito na watergun at binabaril ang mga nakauniporme na mga babae kapares ng sa mga Yaya ko.

Napasinghap ako ng tila ako nalunod dahil may pumasok na maalat na likido sa ilong ko at nang punasan ko ang mukha ko ay basa nga ng tubig ang mukha ko.

Bakit kaya may water sa mga eyes? Nagtatakang tanong ko sa sarili ko at nang walang makapang sagot ay ipinagkibit balikat ko na lamang ito at saka tinuyo ang mukha ko at nakangiti na tinanggal ko na ang tirador at mga holen sa mga plastic nito.

San ko kaya to gagamitin? pumangumbaba ako at habang tinitignan ko ang mga laruan ay bigla akong nakaisip ng brilliant plan.

Tumatango tangong napapukpok ako ng isa kong kamay sa palad ko.

Magawa nga...hihihi... di ko na napigilan na bumungisngis....

____________

"Manang nahanda mo na ba ang pinahahanda ko sa iyo?" Tanong ni Samatha sa isa nilang katulong.

"Opo Mam Samantha ayos na po lahat"  magalang na sagot nito.

"Good! Just call me na lang sa room ko pag dumating na ang Sir Benedict----" natigilan ito nang may tumama sa damit nito na matigas pero nabasag naman at nang tignan nito yun ay puno ng panghihilakbot na napatili ito.
"Oh my God! Manang someone threw me Eggs so...so Eww!" Di malaman nito ang gagawin at isang tao lamang biglang pumasok sa isip nito.
"Artemis!" Puno ng galit na aakyat na sana ito sa stairs nang sa unang baitang nang makaapak ito ng bilog na maliit na bagay dahilan para mapaupo ito sa malamig na sahig.
"Argh Artemis you really, really pay messing up with ME!" Malakas na sigaw nito dahilan para magtakip ng tenga ang kawawang kasambahay.

"Hala Sab, wala naman akong pera, hala pano napunta sa iyo itlog ko alam ko binato ko yan sa bird ah!" mula sa likod ng hagdan ay lumitaw si Artemis na may hawak hawak na mga itlog at tirador.
"Don't worry hingi na lang kita ng money kay Maya pagdating nya" dagdag pa nito saka humakbang papalapit kay Sabrina.
"Teka may utang ba ako sa iyo parang wala naman akong naaalala" nilagay nito ang hintuturo sa sentido at pumikit pa.
"Wala talaga akong maisip eh"

"Damn you! Bwisit ka talaga sa buhay ko magmula pa dati nun mga bata pa tayo, you always and never fail messing up my life! Damn you Artemis di ka pa namatay! I hate you! I hate you!" Singhal nito sa kapatid at dumampot ng holen at binato si Artemis sa ulo.

Natigilan si Artemis sa sinabi ni Samantha at ginawa nito na pagbato ng holen na tumama sa noo nito at pagkatapos ay naningkit ang mga mata nito tinaas ang kamay na may hawak na itlog at buong lakas na binato sa Kakambal nito.

"The fuck!" Di makapaniwalang usal ni Samantha habang titig na titg sa damit at mga braso na malagkit na sanhi ng nabasag na itlog na binato dito ni Artemis.

"You hate me?" Artemis smirk.
"Hate me all you want...I Don't careee!" She sneered.

"Artemis, Samantha?" Kapwa napatingin ang kambal sa nagsalita.

"Maya ko..." tila biglang nanghina si Artemis pagkakita kay Yohan habang si Samantha ay umiiyak na tumayo at yumakap kay Sebastian na kasabay dumating ni Yohan...

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon