"Maya gusto ko pa" malambing na ungot ni Art sa akin at mas lalo pang ibinuka ang bibig nito.
Natawa ako nang mahina at saka muling kumutsara ng ice cream at isinubo agad ito kay Artemis.
Agad naman na sinubo nito ang ice cream,
Ngumiti pa ito at muli ay napatawa ako nang mapansin na may ice cream pa na naiwan sa gilid ng bibig nito."Ang sarap talaga Maya, gusto ko pa" muli ay wika nito.
"Wait lang" sagot ko at kumuha ng tissue paper para pahiran ang ice cream sa mukha nito.
"Punasan muna natin ang left side ng bibig mo, may naiwan kasi na ice cream" dagdag ko at saka sinimulan nang punasan ang mukha nito.Kasalukuyan na nasa isang ice cream parlor kaming dalawa kasi ayaw pang umuwi ni Artemis.
Kaya kahit gusto ko nang umuwi para makompronta ko na si Samantha kung bakit nya iniwan si Artemis may lugar na madaming nightclub.
Mainam na lamang at suot nito ang relo nito na may GPS kundi baka hindi ko agad nakita si Artemis at ang isipin na baka may masamang mangyayari dito ay naghahatid sa dibdib ko nang ibayong kaba.And Thank God nakita ko agad si Artemis bago pa may mangyari dito na hindi maganda.
"Maya...ahm...after nito punta tayo Arcade ha?" Hiling nito at saka pinalamlam pa ang mga mata.
Napalunok ako kasi bakit pakiramdam ko tila may sumuntok na malakas sa dibdib ko dahil lamang sa pagtingin ko sa malalamlam na mga mata ni Artemis.
"Maya ano payag ka na please?"
"Maya tanong kita Maya?!"
"Uy Maya bingi ka na?" Sunod sunod na tanong ni Artemis sa akin na may kasama pang kawag nang dalawang kamay at pagpilantik nito sa harapan ko.
Iniikot pa nito ang mga mata at ngumuso.
Impit na humagikhik ako kasi naman nakakatuwa pagmasdan nito.
"Tawa na lang Maya? Tawa, tawa pa sige kabagan ka dyan Maya" nakasimangot inirapan ako nito.
"Okay Artemis, ubusin na natin itong mga ice cream na inorder natin at maglalaro sa Arcade" nakangiting amo ko dito.
Dagling nagliwanag ang mukha nito at napatayo pa at sa gulat ko ay humarap ito sa akin at niyakap ako nito at saka pinugpog ng halik sa pisngi ako.
"Thank you Maya" anito.
"Dali na ubusin na natin itong ice cream natin" wika ko dito na nakangiti naman na tinanguan nito.
______________
"Maya! bilis lapit na Maya! Kaya mo yan!" Pagsi cheer sa akin ni Artemis habang ako eto tagagtak na ang pawis sa pagkuha sa Squirtle na gusto nya.
"Ayan na....." dahan dahan na pinundot ko ang button nang matapat na dun sa gusto nyang laruan.
"Lapit na Maya" bulong ni Artemis.Dahan dahan na umangat sa ere yun laruan at nang malapit na sa butas ay ni release ko na yung hawak kong button.
Woah! Nakahinga ako ng maluwag kasi pang limang beses ko na yatang pagta try ito at nang nakuha na ni Artemis yung pagong ay lumingon ito sa akin.
"Thank you Maya!" Nakangiting sabi nito at tumingkayad pa ito para dampian ng halik ang pisngi ko.
Ramdam ko na nag init ang magkabilang pisngi ko at lihim na ipinagpasalamat ko na medyo madilim na sa bahagi na yun ng Arcade marahil kasi malapit na itong magsara.
Mahina akong tumikhim.
"Y---you're welcome, Artemis" sagot ko at ginulo ng bahagya ang buhok nito.
"Yay! Squirtle!" Tila nagniningning ang mga mata nito na niyakap yung stuffed toy.
Halata sa mukha nito ang kasiyahan sa munting napalalunan ko."Nakuha na natin si Squirtle, tara umuwi na tayo" yakag ko dito.
"Eh? Ayaw pa Maya!" Angal nito.
Napangiti naman ako at inakbayan na ito.
"Kailangan na natin na umuwi Artemis kailangan na din na magpahinga ni Squirtle di ba?" Malambing na tanong ko dito.
Sumibi ito at niyakap nang mahigpit ang laruan bago tumango."Sige na nga peyo Maya balik ulit tayo dito bukas ha? Madami ka pang kukunin Si Pikachu, Si Kero, Si Kitty---" biglang napahinto ito sa pagsasalita.
"Wahh! Maya look oh?!" Namimilog sa sobrang saya ang mga mata ni Artemis nung may itinuro itong bigla.
Nakita ko ang isang photobooth.
"Maya picture tayong dalawa saka si Squirtle" hiling nito.
"Ha? Pag---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lamang ako nitong hilahin papunta sa may photobooth....