Chapter 26

2.4K 87 8
                                        

"Hah!" Humihingal na napabangon ako at tinignan ang orasan.
Pero hindi ko naman alam kung anung oras na kaya walang pakialam na ibinato ko ito sa ere at akmang mahihiga ulit ng may malakas na dumaing.

"Aray Artemis naman di naman ring ng basketball ang mukha ko mas lalo ng di tapunan ng mga bagay na ayaw mo na!" Angal nung boses lalaki na pamilyar ako.

Nilingon ko ito at ngumuso.

"Sowee~~~~" hingi ko ng paumanhin dito.

"Sowee...anu yun So en? Pero puro Victoria Secret ang mga panty nila dito" napapakamot na sagot ni Mavix daw ang Name tapos Friendship daw kaming dalawa pati nung tatlo pang Girls na kasama namin kagabi.

"Not So~en...Sorry yun duh" nakanguso na sagot ko dito.

Kasi tanga tanga tapos mukhang bingi pa sayang may hitsura pa naman... pero Love ko pa din ang Maya ko at para sa akin sya na ang Pinaka Pogi.....

"Ah ganun ba...." panggagagad nito na yung boses kahawig nun Baklang gustong gusto kong panoorin pag afternoon na.

Tuloy napahagikhik ako...kasi naman eh...etong lalaki na ito patawa eh....

"Oh bumangon ka na d'yan at kakain na" anito na lumapit sa akin tapos marahan na hinila nito ang kamay ko para itayo ako.

"Do you have sinangag, hotdog, bacon~~~~"

"Sus ang daming pagkain dito sa Bahay nila Dawn di ka magugutom, halika na at unahan na natin yun tatlong Bruha na kumain" nakangising gagad pa nito na kinalaki ng mga mata ko.

Mabilis na bumalikwas ako ng bangon at ako pa nga ang humila sa braso ni Mavix.

Sabi nga nila Food is Life,kaya lalafang muna si Artemis...hehehe...

____________

"Ang sharap naman!" Himas ang malaking tiyan na bulalas ko tapos dumighay ako.
"Thank you Papa Jesus" nangingiting nag cross sign ako at muling dumampot ng saging.

"Nga pala Art, anung nangyari sa iyo weirdo ka na dati pa pero ngayon malala ka na" ani Mavix na kumuha din ng saging at kumain din.

Nagkibit balikat ako dito.

"I don't know~~" sagot ko kasi naman wala naman talaga akong alam.

"Anyway tumawag ka na ba sa mga Magulang mo?"

Umiling ako dito.

"Nasa Amerika sila, kasi may sakit si Daddy sa heart tapos sinama nya si Mommy para I nurse sya" mabilis na sagot ko.

Nagpatango tango naman ito.

"Ah....si Samantha lang ang kasama mo?"

"Kilala mo si Sam Sam?"

"Hindi" nakairap na sagot nito.
"Kaya nga tinatanong ko sya sa iyo dahil kilala ko sya nuh"

"Ah..." napatango na lang ako.
"So...kilala mo ako...kilala mo si Sam Sam....kilala mo din ba ang Asawa ko?"

"Huh? May tangang lalaking pinakasalan ka?" Natatawang tanong nito sa akin na kinasimangot ko.
Sa asar ko ay binato ko ito ng balat ng saging na nasalo naman nito.

"Hindi tanga ang pangalan ng Maya ko! Maya! Maya!"

"Wow pati pangalan pang ibon" natatawang sabi nito.

"Grrr~~~I hate you mahulog ka na sana sa upuan mo"

"Oh ang Artemis namin pikon na, sorry na po, anyway dapat tawagan na natin si Maya mo para malaman nya na nandito ka sa amin kasi baka nag aalala na yun madaling araw na eh" anito at kinuha ang cellphone nya at nag dial.
"Yan pa rin ba ang dating number ng landline nyo?" Tanong nito sa akin sa akin.

"Ewan ko, di ko naman kabisado yun number ng House namin, mas alam ko pa ang number ni Maya eh....ah si Maya na lang ang tawagan mo dali! Dali!" Excited na niyugyog ko ang balikat nito.

"Wait lang, oh Eto I dial mo ang number ng Maya mo" anito at inabot sa akin ang Cellphone nya na mabilis na kinuha ko at pinindot ang mga numero ng telepono ni Maya.
Ilang sandali lang ang hinintay ko at agad ko ng narinig ang Boses ng Maya ko.

"Hello sino 'to?" Tila pagod ang boses na tanong nito na kinataka ko.
Bago pa ako makapag hello kay Maya ay inagaw na ni Mavix ang Cellphone sa akin.

"Hello ikaw ba si Maya? Asawa ni Artemis?" Tanong ni Mavix habang nakatukod ang palad nya sa noo ko kaya tuloy hindi ko makuha kay Mavix yung Cellphone.

"Yes, nasa inyo ba ang Asawa ko please pakausap naman...saka sino ka nga ulit?" narinig ko na tanong ni Maya kay Mavix.

Napangisi naman ang huli tapos lumiyad pa ang dibdib.

"Ako si Mavix, boyfriend ni Artemis!" Buong pagmamalaki na sagot nito sa Maya ko.

"Huh?"

"Hah?"

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon