Chapter 11

3.3K 119 11
                                    

Mariin ang pagkakapikit ng mga mata ko habang paroo't parito ako sa harapan ng nakaupo na si Artemis.

"Maya....antok ka pa ba?" Nagtatatakang tanong ni Artemis sa akin.

Naniningkit ang mga mata na humarap ako dito.

"Maya mukhang galit ka? Why?" Muling tanong nito.


"Artemis...." huminga ako nang malalim at nahilot ko ang batok ko.

"Maya pwedeng pakibilisan ang sasabihin mo gutom na ako eh" namimilog ang mga mata na pumalakpak pa ito.
"I want Pancakes na may guava syrup tapos chocolate yun drink ko tapos....ah I want hotdog din saka ham saka saka bacon din pala saka saka" pagrerequest pa nito.

Sakalin ko kaya ito!

At tila lalong sumakit ang ulo at leeg ko.

"No..." madilim ang mukha na sagot ko dito.

"Huh?" Nagtatakang napatingin si Artemis sa akin.

Kaya naman lumapit ako dito at tinapik ito sa noo.

"Ouch it's hurt Maya!Why did you poke me!" Nangingilid ang mga luha na angal nito.


"Ayoko di ako Yaya mo may mga maid dito dun ka magpaluto" tinalikuran ko na ito.


"Maya galit ka ba? Why may nagawa ba ako tell me na kasi ayaw ko na galit ka sa akin" humawak ito sa dulo nang pajama ko at na out balanced ako kaya naman napasubsob ako sa malambot na carpet at dinaganan ako ni Artemis.

"Artemis!" Naiinis na talaga ako kay Artemis.

"Why Maya?" Hinawakan nito ang leeg ko at lumapit pa lalo sa mukha ko.

Bigla tuloy akong nailang kay Artemis.

At pinagpawisan nang malapot....

"Hey Maya tatanong ako sa iyo" untag nito uli sa akin.

"Ang bigat mo Artemis bumangon ka na para makatayo na ako" sagot ko dito.

Sumimangot ito pero agad din naman na sumunod sa gusto kong mangyari.

Nang makaalis na ito ay agad na napaupo ako sa carpet.

"Maya I'm hungry" muling kulit nito sa akin.

"Di mo ba ako narinig kanina ayoko kong ipagluto ka may Yaya ka magpa----" natigilan ako nang mapansin ko na tila maiiyak na si Artemis.

At napangiwi ako nang sumubsob ito sa dibdib ko at humagulhol nang pagkalakas lakas.

"Ayaw ko Maya, gusto ko ikaw lang luluto nang food ko ayaw ko si Yaya gusto ko ikaw....ikaw!! Wahhh!!!" Niyugyog ako nito nang pagkalakas lakas.

Nagsisimula na akong mahilo tuloy....

Napatingala ako at nahilamos ko nang kamay ko ang mukha ko.

Shit eto na naman po kami......

------------------

"Yehey! Maya...Maya gusto ko dagdagan mo pa yun syrup" ungot ni Artemis nang ihain ko sa harapan nya ang pancake na pinaluluto nya.

Napabuntunghininga ako at napapailing ako na kinuha ang guava syrup na paborito nya at nilagyan ko ang pancake nya.

"Thank you Maya" anito at
nagsimula nang kumain.

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon