Chapter 8

3.6K 114 5
                                    

"Maya!" Natigilan ako nang madinig ko ang pamilyar na palayaw sa akin ni Artemis.

Muling kumabog ang dibdib ko at pigil hininga na dahan dahan na lumingon ako.

Nakita ko na papatakbo na papunta sa akin si Artemis na hawak hawak pa din ang paboritong stuffed toy nya.

Ngumiti ako dito.

"Artemis, may kailangan ka?" Tanong ko dito.

"Tama ako Maya" sagot nito sa akin.

Napakamot ako sa batok ko.

"Ha?! Ah eh....."

"Tama ako! Tama ako Maya" patuloy na ungot nito at humawak pa sa braso ko.

"Artemis di pwede kasi meeting yun pupuntahan ko maiinip ka lang" alanganin na sagot ko dito.

Napasibi ito at lihim na napangiwi ako pagkat suma total alam ko na ang kasunod nito.

"Tama ako Maya! Gusto ko tama" pangungulit pa din nito at di lang yun, ang bear na hawak hawak nya ay pinapalo na nya sa akin.

Naman Oo!

Eto na naman po kami!

Kinakarinyo brutal na naman ako nang Asawa ko....

"Artemis di talaga pwede pero promise uuwi agad ako after nang meeting ko" sabi ko dito habang tuloy pa din ako sa pagsangga sa pagpapalo nya gamit ang bear sa katawan ko.

Natigilan si Artemis at nakahinga ako nang maluwag pero sandali lamang pala yun dahil muli ay pinagpapalo na naman nya ako nang Bear.

"Yoko mo lang ako tanyang din tabi mo tahapon tapos intay ako uwi ka pero gabi ka na uwi tulog na ako tapot.... tapot alis ka ulit di na ako papayag tatama ako sa yo Maya" sabi nito at nagsimula na itong umiyak pa ito nang pagkalakas lakas.

Nagagahol na pinatahan ko ito.

"Hush, hush darling stop crying...." pag aalo ko dito pero lalo pa nitong nilakasan ang pag iyak.

Napapikit ako nang mga mata ko at napatingala ako dahil pakiramdam ko sumakit na naman ang batok ko.

Muli ay pinagmasdan ko ito nakaupo na ito sa lupa at yakap yakap ang bear nya habang walang patid ang pag iyak nito at alam ko na di ito titigil hanggang di nito nakukuha ang gusto nya.

Muli ay napapikit ako at huminga nang malalim at nagbuga nang malakas.

"Fine Artemis tumayo ka na dyan at sasama ka na sa akin" sabi ko dito.

Agad na tumayo ito at nakangiting tumingin sa akin.

"Talaga Maya tama na si Art yehey!" Sagot nito at nagpatalon talon pa sa harapan ko.

"Sige na magpalit ka na nang damit para makaalis na tayo mala late na kasi ako" utos ko dito at nakangiting tumango ito sa akin at nagtatakbong pumasok na ulit sa mansiyon.

Napapangiting nasundan ko na lamang ito nang tingin.

Again nakuha na naman nya ako sa lambing at iyak nya naku naman!

----------------

"Sorry Mr. Soriano at nalate ako kanina pa ba kayo?" Nagagahol wika ko nang sabihin sa akin nang secretary ko na dumating na ang kliyente namin.

Nasa likuran ko si Artemis at hawak hawak nya ang laylayan nang Amerikanang suot ko.

Umiling ito sa akin.

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon