"Maya hawak mo to takot pa ako di pa to sanay" naluluhang pakiusap ni Artemis sa akin.
Nandito kami sa may Park at dahil maaga pa ay wala pa naman masyadong namamasyal.
Hinawakan ko naman nang mabuti ang katawan nito at pati na ang bisikleta at dahan dahan na inalalayan ito.
Pagkatapos na maikot na namin ang parke ay pumunta ako sa may harapan nito saka ko inalalayan at gamit ang isang kamay ko ay hinawakan ko ang isang kamay nito at nilagay sa handlebars nang bike.
"Maya?" Nagtatakang tanong nito sa akin.
Ngumiti ako dito at maingat na pinisil ang baba nito.
"Kanina pa tayo paikot ikot dito tapos yang kamay mo di naman nakahawak sa manibela" natatawang sagot ko dito.
Nanlaki ang dalawang mata nito at dagling nag blush ang magkabilang pisngi.
Napakaganda talaga nito pag nagba blush.
"Sorry Maya limutan ko" agad na sabi nito.
"Okay lang ready na ulit tayo" agad na yaya ko dito na agad naman na tinanguan nito saka sinimulan na ulit nitong magpedal.
Kahapon, Sabado ay agad naman na nakabili ako nang bisikleta ni Artemis at suwerte na next Sunday pa pala ang Golf namin ni Mr. Gorell kaya libreng libre ako ngayon na turuan at tutukan si Artemis.
Makalipas pa ang kalahating oras na pag ikot ikot namin sa park at tila palagay ko ay gamay na ni Artemis ang pamimisikleta ay pumuwesto ako sa likurang bahagi nang Bike.
"Artemis wag kang magpanic okay dahan dahan na bibitiwan ko yun bike okay?" Sabi ko dito.
Agad na lumarawan ang panic sa mukha nito.
"Ayaw Maya takot ako baka tumba ako" natatakot na sagot nito.
Pero nakangiting umiling ako dito.
"Nandito ako wag kang mag alala di ako aalis sa tabi mo hangga't di mo pa kaya" paninigurado ko dito.
"Talaga Maya?" Naniniguro nitong tanong sa akin.
Muli ay nakangiting tumango ako dito.
Tila nakahinga naman nang maluwag ito at muling nagpedal nang dahan dahan.
Agad na bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa Bike nito at masayang tinanaw ang pagewang gewang na pamimisikleta nito.
"Wow Maya madunong na ko!" sigaw nito saka lumingon sa likod nya at nang makita nya na malayo na ang layo naming dalawa ay tila na out of balance ito at nabuwal sa damuhan.
"Artemis!" Nagpapanic na sigaw ko at agad na napatakbo ako at maingat na inalalayan ito papatayo.
"Are you hurt somewhere?" Nag aalalang tanong ko dito at tinignan maigi ang mga braso at tuhod nito kung may gasgas.Sumibi ito at agad na niyakap ako.
"Maya ba't bitaw ka agad natakot tuloy ako yan tuloy hulog ako Bike" sargo ang luha at sipon na sita nito sa akin.
Napakamot naman ako nang leeg at marahan na natawa.
"Pero kung di ako bumitaw sa bisikleta mo di ka matututo kita mo naman marunog ka na di ba?" Sagot ko dito na kinasimangot nito at pagkaraan ay iningusan ako.
"Madunong naman ako dati pa loko lang kita para sama kita ngayon" sagot nito na agad na suminghap nang matanto nya ang nabigkas nya.
Natigilan ako at maya maya ay napailing.
"Artemis..."
"Peyo Maya tagal na time na bike ako kalimot ko na kita mo kita mo hulog ako!" Apela nito na tinawanan ko lamang nang mahina.
Tinapik tapik ko ang ulo nito pagkatapos ay bumuntunghininga ako.
"Maya!" Anito at niyakap ako nang mahigpit.
"Kay Fine pero dapat next time wag ka nang mag lilie okay? Bad yun" pangaral ko dito.
"Di naman ako naglilie Maya tanong mo akin marunong di hindi masyadong madunong dun ako sa huli lagi pa nga akong tumba tumba eh" ayaw magpatalo na sagot nito sa akin.
Napailing na lang ako.
Mukhang matatalo na naman nito ako, hindi naman kasi papatalo si Artemis sa akin."Alright wala nang next time" sagot ko dito saka akmang tatalikod nang muli ay yakapin ako nito.
"Maya wag ka nang galit sa akin di na ako galit sa iyo bati na tayo" malambing na pakiusap nito sa akin na agad ko namang tinanggap.
"Okay forgiven ka na mainam pa ibibili na lang kita nang Cotton Candy habang nagbabike ka" alok ko dito sabay turo sa mama na naglalako nang cotton candy.
"Okay peyo balik ka agad" pagpayag agad nito at saka tumakbo na sa may kinaroroonan nang bisikleta at dali daling tinayo ito saka sumampa.
Napailing na lang muli ako at sa isip ko mukhang naisahan na naman ako ni Artemis......