Chapter 26.1

3.3K 117 21
                                    

"Huh?" Tila may isang dosenang kamay ang sumampal sa mukha ko sukat sa sinabi ng lalaking kausap ko sa kabilang linya.

"I'm sorry?" Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko na ramdam ko na unti unting naaaburido.

Heck! Wala pa akong tulog kakahanap sa Asawa ko na bigla na lang nawala after kong pigilan ang pag aaway nila ni Samantha....Kung alam ko lang na may pagka Ninja si Artemis na pagna inis ay nawawalang parang bula ay dapat hindi ko na hinayaan pa na mawala sya sa paningin ko....

Tapos eto at may tatawag tawag sa akin at buong pagmamamalaki na isinampal sa mukha ko na Boyfriend sya ni Artemis?

Putek! Ako naman ang Asawa nuh!

"Ah, sorry wag kang mag isip ng masama ha, Boyfriend ha it means Lalaking kaibigan"  natatawang sagot nito sa kabilang linya at ayaw ko man ay tila nakahinga ako ng maluwag.

"Really..then will you please tell me how and why Artemis is with you? And where are you and my Wife? Is she alright? Did you already feed her? mabilis kasi syang magutom" sunod sunod na tanong ko habang papunta sa kotse ko.

I need to see my Wife,

I can't relax until I did not see her...

"Woah! Artemis ang daming tanong ng Ibon mo ikaw na lang nga ang makipag usap, kakain muna ako" anito.

"Eh? Ayaw ko nga kumakain pa ako, just tell him na lang na ayaw ko ng umuwi sa House kasi andun Sam Sam tapos lagi lang kaming nag aaway tapos kakampihan nya lagi si Sam Sam at si Artemis lagi nyang inaaway, kawawa si Art, sungit na Maya," narinig ko na angal ni Artemis sa kabilang linya na nagpasakit pa lalo sa utak ko.

"Ay Gaga kanina iyak ng iyak dahil nami miss ang Ibon nya tapos ngayon nasa harapan lang ng madaming pagkain ipagpapalit na ang Ibon nya" napapalatak na sabi nun Mavix.
"Uy Ibon nadinig mo ang mga salitaan ng Asawa mo di ba?" Baling nito sa akin.

"Oo" tugon ko dito sabay tango sa kawalan.

"Okay pumunta ka na dito at sabayan mo na kaming mag almusal ng Asawa mo"  anito at sunod na sinabi ang address na kinaroroonan ng mga ito.
Agad na tinapos ko na ang tawag at saka pinaandar ko na ang sasakyan para tunguhin ang nasabing lugar na may kalayuan din mula dito.

________

"Maya dito ka na agad?" Salubong na tanong agad ni Artemis na may subo subo pang saging ng makita nya ako papasok sa Dining Room.

"Oo sasabayan nya tayo na mag breakfast" sagot ni Mavix na nasa likuran ko na pala.

Kanina ng makarating ako sa sinabi nitong lugar ay nalula ako at nag atubili pang mag doorbell kasi nga nasa harapan lang naman ako ng isang malaking Mansion pero bago pa ako makapag decide ay may lumabas ng Isang Guwapong Lalaki na parang kaedaran ko lamang at agad na tinanong ako, kung ako ba daw si Maya Ibon.

Nang tumango ako ay dali dali nitong binuksan ang gate at pinatuloy ako at ngayon nga ay kaharap ko na ang mala Dora kong Asawa.

Tumayo na ito saka palapit  na naglakad sa akin at agad na kumuyapit sa braso ko.

"Ah okay Maya upo ka tapos breakfast na tayo, Mavi yun apat asan na?" Tanong ni Artemis kay Mavix.

"Ah yung mga yun? Mga tulog pa ang mga yun, hala kain na tayo, Pre kain na" alok ni Mavix sa akin.

Tipid na ngumiti ako dito saka tumango at naupo na sa katabing upuan ni Artemis.

________

"Just behave Artemis and be a good girl okay?" Muli ay bilin ko kay Artemis habang papasok na ang kotse ko sa driveway ng mansion nila.
Kanina pagkatapos namin kumain ni Artemis ay agad na kaming nagpaalam kay Mavix na uuwi na ayaw pa nga ni Artemis kundi lang ako nangako na hindi ako aalis sa tabi ngayong araw na ito.

Well wala din naman akong balak pumasok ngayon pagkat puyat gawa ng wala pa akong tulog kakahanap dito sa Asawa ko saka balak ko din naman na matulog maghapon.

"But I'm behave! Si Sam Sam yun witch dapat sya din pagsabihan mo din!" Apela ni Artemis na nagpa pout which makes her cute.

I brush her hair and pinch her cheeks.

"Yeah...I do it, don't worry basta wag ka nang basta mawawala okay?"

"Okay~~~" anito na dumukwang saka ako biglang dinampian ng isang mabilis na halik sa labi ko.

Nagulat ako at naramdaman ko na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Pilyang ngumiti ito saka nagmamadali nang bumaba ng sasakyan.
Bumaba na din ako saka sumunod na din dito.

Bigla ay nakita ko na lumabas na ng pintuan si Samantha at tumaas ang kilay pagkakita sa amin ni Artemis.

"So....saan ka nagpunta Artemis at bakit bigla ka na lamang nawala ha?" Agad na tanong ni Samantha sa kakambal nito.

"Hi Sam Sam, may regalo ako sa iyo" sa halip na sagutin ni Artemis ito ay may dinukot ang Asawa ko sa pantalon na suot nya at may biglang hinagis kay Samantha na nagtitili agad nang masalo ang nasabing bagay.

"Ah! Ahas, ahas, ahas!" Tumitili na sigaw nito at inihagis sa mukha ko ang laruang ahas na bigay ni Mavix kay Artemis.

Shit! Kakasabi ko lang na magbehave eh!

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon