"Yohan sama ako!" Palahaw ni Artemis sa akin habang hawak hawak nya ang braso ko at ayaw nyang pakawalan.
Naiiling na nilingon ko ito.
"Artemis di pwede opisina ang pupuntahan ko, saka baka mainip ka lamang dun kaya di kita puwedeng isama dun" paliwanag ko dito.
Pero umiiyak na muling umiling si Artemis sa akin.
At konting konti na lang bibigay na ako.... Promise!!
"Di ako iinip Yohan!" Umiiling na sagot nito. "Basta sama ako sa iyo Yohan wag mo tong iwan dito isa wawa si Artemis" bumunghalit ulit ito nang malakas na pag iyak sa akin at saka sumubsob sa suot kong polo at pinunasan pa ang mukha na basang basa na dulot nang pag iyak nito.
Basa tuloy ito kaya
Haist! Magpapalit na naman ako nang polo.... nagkakamot ang ulo na naisip ko. Dapat pumayag na agad ako kanina pa eh!
Bahagya kong nilayo sa katawan ko si Artemis at pinunasan ang mukha na basang basa pa din kahit na nagpahid na sya nang mukha nya sa polo ko kanina gamit ang panyo ko.
"Okay sasama kita pero dapat behave ka lang sa office ha" nakangiting bilin ko dito.
Agad na nagliwanag ang mukha nito at nakangiting tumango sa akin.
"Okay Yohan Behave si Artemis basta sama ako sa iyo" sagot nito.
"Magpapalit lamang ako nang damit nabasa mo kasi then after that isasama na kita" tinapik ko nang mahina ang pisngi nito.
"Yehey sama Artemis Yohan!" Pumapalakpak na nagpatalon talon ito pagkaraan ay kumapit ulit si Artemis sa braso ko at ito na ang humila sa akin.
Naiilang at napapalunok na lamang na nagpatinaod ako sa kanya.
And then again I feel this unfamiliar yet familiar strong sting of shiver for simple touch of our skin that again run in my spine and stop in my middle body part....
Can't you blame me?
I can't help but be drawn to her closer....
When she smile... It makes her face shine brightly and she make me more attractive to her.....
Sometimes I forget that she is still the childish minded woman I married that trapped in her pale white skin and beatifully slender and petite body that fits rights in my arms whenever she hugged me that make my body trembling in uncontrolled urges that make me want to trapped her in my arms and kissed her luscious pink soft lips, held her against my body, take her to our bed....
And that's very very naughty mental images you have little Yohan!
Very Very Bad.....
-----------------
"Dito ka lamang Artemis ha" bilin sa akin ni Yohan ko saka iniupo ako sa malambot na upuan.
Ngumiti ako dito at napansin ko na napalunok si Yohan saka umiwas nang tingin sa akin.
Lihim na napasibi ako pagka isip na baka di ako pretty at ayaw ni Yohan sa akin.
Ayaw ko gusto ko lagi tingin sa akin Yohan ayaw ko Iwas sya sa akin....
Unang pagkakita ko pa lamang kay Yohan ko ay pakiramdam ko kilala ko na sya dati pa at dito sa puso ko gusto ko na si Yohan.....Gustong gusto.....
kaya naman gusto ko na lagi sa tabi nya at ayaw ko na mawalay sa kanya, yakap yakap sya at katabi sya sa pagtulog at saka saka....
Secret nahihiya ako eh....
"Hey Artemis naintindihan mo ba ang bilin ko?" Napakurap pa ako nang mapansin ko na malapit na pala ang mukha ni Yohan ko sa akin....
Kaya naman ang puso ko ang lakas nang tibok....
"Art-----"
"Intindihan ko Yohan dito lang ako promise" nagpinky swear pa ako dito saka inaangat ko ang dalawang kamay ko at hinipo ang dibdib ni Yohan.
Muli napansin ko na napalunok si Yohan kaya naman nagtatampong nakapikit na sumandig ako sa dibdib nito pero agad din na napamulat ako nang dalawang mata ko nang madinig ko ang malakas na pagdagundong nang dibdib ni Yohan pati na ang tila pagtaas nang tempature ni Yohan kaya naman mas lalo ko pang sinandig ang mukha ko at pati na ang katawan ko nilapit ko pa lalo sa kanya.
Kasi gusto ko pang mas lalong madinig ang malakas na pagdagundong nang dibdib nito at madama ang Init nang katawan ni Yohan....
"Sir Marcus---" automatic na inilayo ni Yohan ko ang katawan nya sa akin at tumingin sa bagong dumating.
Lihim na napasimangot ako pagkakita na maganda ito at saka mas naiinis ako dahil si Yohan ko tinitignan nya ito nang mata sa mata samantalang pag sa akin di makatingin nang diretso si Yohan ko.
Magpapa make up din ako sa Yaya ko saka saka magpapaseksi din ako para tingin din lagi sa akin Yohan ko!
"Yes Miss Olive?" Tanong dito ni Yohan at saka lumapit pa lalo dun sa babaing bagong dating.
"Magsisimula na po ang Meeting at kayo na lang po ang hinihintay" sagot nito.
"Ganun ba? Sige susunod na ako" ani Yohan.
Yumukod ito at saka nag excuse na ito para umalis.
Muling bumaling sa akin si Yohan.
"Pupunta muna ako sa meeting ha Artemis kailangan na kasi ako dun" paalam ni Yohan ko sa akin.
Nakangiting tumango ako dito kahit pa sa pakiramdam ko ayaw ko na mawalay sa akin ang Yohan ko.
"Basta balik ka agad ha" sa halip ay malambing na ungot ko dito at nang tumango ito at halikan ang noo ko ay ang puso ko tila nagtumbling pataas tapos bumagsak at di ko nasalo kaya naman niyakap ko ito nang mahigpit......
Ang Mahal kong Yohan......
Mahal kong Yohan.....
Maya ko....
Maya ko.....
"Yohan....?"
"Hmm...?" Nakangiting lumingon sa akin si Yohan na papaalis na pala kasi naman nasa pinto na sya eh....
"Haba Yohan tawag ko sa iyo Maya na lang para ako lang tatawag nang ganun sa iyo" nakangiting sagot ko sa Maya ko.
Natigilan ito at muli ay nag iwas nang tingin sa akin at tila ito maiiyak kaya naman agad na napatayo ako para puntahan ito pero nakangiting humarap na ito sa akin.
"O----okay if yun ang gusto mo Artemis.....ahm...mauna na ako late na ako sa meeting eh" sagot nito saka nagmamadaling iniwan na ako sa office.
"Bye bye Maya balik ka agad ha!!" Sigaw ko kahit na di ako sigurado kung nadinig nga ni Maya ang sinigaw ko....