"Marcus hijo! Buti naman nakarating ka at ang Asawa mo dito" Agad na tinapik tapik ni Tito Fernan ang balikat ko pagkalapit pa lamang nya sa akin.
Ngumiti ako dito at saka tumango pagkaraan ay nilinga ko si Artemis na tahimik lamang na nakatayo at nakamasid sa amin.
Actually pag ganyan sya katahimik mas lamang ang kaba ko dahil baka may iniisip na naman na kalokohan ang "Mabait na Asawa ko"
"Teka Marcus di mo ba ako ipapakilala sa Asawa mo?" Untag ni Tito Fernan sa napaparanoid na isip ko.
"Ah opo, opo pasensiya na nakalimutan ko po Tito Fernan" agad na hingi ko nang dispensa dito na ikinatawa naman nito nang mahin.
Pinalapit ko si Artemis sa akin na agad naman na sumunod.
"Tito Fernan, Si Artemis po Asawa ko, Artemis ang Tito Fernan kapatid sya ng Papa ko" pagpapakilala ko sa mga ito.
"Nice to meet you po Tito Fernan" mukhang nasa abnormal mode naman ang Asawa ko.
Mukhang matino eh...
Kaya naman lihim na nakahinga ako nang maluwag.
Agad pa ngang nakipagbeso beso si Artemis dito at ngumiti pa bago niyakap si Tito Fernan.
"Napakalambing naman ng Asawa mo Marcus" natutuwang puna ni Tito Fernan kay Artemis na napakalaki ng ngiti na nakabalatay sa mukha nya.
"Pasok na tayo at nakahanda na ang mga pagkain naku lahat nang paborito mo pinahanda ng Tita Nette mo nang malaman na pupunta kayong mag asawa ngayon dito" natatawang sabi ni Tito Fernan sa akin at inakbayan pa ako nito habang umabrisiete naman si Artemis sa akin at sabay sabay na kaming pumasok sa mansion nila.
Nakita ko agad sina Tita Nette at Blanca sa may salas at tila may seryosong pinag uusapan.
"Look whose here Darling" masiglang wika ni Tito Fernan sa mag ina nya na kapwa natigilan at sabay na napasinghap pa tapos halos takbuhin na nila ang distansiya sa pagitan naming lima at nang makalapit na sila ay mahigpit nila akong niyakap.
"Tita Nette....Blanca..." pangalan lang nila ang tanging nasambit ko.
Wala eh na touched ako sa pinakita nilang Sweet and Warm Welcome na madalang pa sa patak ng ulan sa Disyerto na mangyari na gawin ng pamilya ko sa akin.
"How are you hmm...my Little Yohan?" Malambing na tanong ni Tita Nette sa akin habang hinahaplos nya ang pisngi ko.
"Oo nga Kuya Marcus" segunda naman ni Blanca. "Kamusta na ang pinakapaborito ko sa lahat ng mga pinsan kong lalaki?" Nakangiti pa nitong tanong na nakapagpangiti sa akin.
Pag kami kami lang minus Seb at ang pamilya ko Little Yohan ang tawag ni Tita Nette sa akin.
Nun bata pa kasi ako bansot ako at payatot tapos makapal pa ang salamin sa mga mata ko kaya madalas tinutukso ako ng mga Classmate ko at dahil ayaw ni Mama na makita ako na umiiyak madalas kay Tita Nette ako umiiyak madalas pa nga si Tita Nette pa nga ang umaaway sa mga tumutukso sa akin pati na sa mga Nanay ng mga ito kaya naman mahal na mahal ko si Tita Nette pati na si Tito Fernan at si Blanca na lagi din akong binobola na ako daw ang pinakapaborito nya sa lahat ng pinsan nyang lalaki eh ako lang naman ang pinsan nyang lalaki sa father side nya at saka puro naman mga babae ang mga pinsan nya sa Side ni Tita Nette.
"Okay naman po ako Tita Nette" nangingiting sagot ko kay Tita Nette pagkaraan ay bumaling naman ako kay Blanca. "At ikaw talaga Blanca ang hilig mo pa din na bolahin ako eh ako lang naman ang nag iisa mong pinsan na lalaki" natatawang sagot ko dito.
Ngumisi ito at saka nag peace sign.
"Hello hija ikaw ba ang Asawa nitong si Yohan ko?" Tanong ni Tita Nette kay Artemis na nakangiti naman na tumango at nakipagbeso beso kay Tita Nette pagkatapos ay nagyakap pa ang dalawa.
"Sorry Hija at di na kami nakapunta sa reception ng kasal nyo ha" hingi agad ni Tita Nette nang paumanhin dito. "May flight kasi kami ng Tito Fernan mo that day kaya lamang ay di naman pwede namin na mamiss ang kasal ng pamangkin namin kaya pinilit talaga namin na dumalo sa kasal nyo" paliwanag pa nito.
"It's okay Tita I understand" maikling sagot ni Artemis dito at saka muling ngumiti ng pagkatamis tamis.
At Lihim na nakahinga naman ako nang maluwag dahil alam nyo naman na wag lang magsalita yang si Artemis at manatili na lamang na tikom ang bibig nito mukha naman itong walang diperensiya at mukhang naglelevel up talaga ang Asawa ko pag may mga kausap na di nya kilala nakakapagsalita ito nang tuwid animo'y naiintindihan nya ang nangyayari sa kapaligiran nya.
Hmm....ano kayang tumatakbo sa utak ni Artemis... maganda kaya ang iniisip nya o wala naman syang iniisip....
Argh....nacucurious tuloy ako...
"Wow ang ganda mo naman Sis ako naman si Blanca ang pinakafavorite nyang pinsan sa lahat!" Singit naman ni Blanca at ito na mismo ang kumuha sa kamay ni Artemis at nakipag handshake dito.
Napansin ko na bahagyang naningkit ang mga mata ni Artemis.....
Ugh...I see trouble.... nagpapanic na naisip ko.
Pero di naman nagtagal ay ngumiti si Artemis dito kaya naman muli ay nakahinga ako nang maluwag.
"Halina na kayo at magkuwentuhan muna tayo habang hinahanda nang mga maids ang pagkain" yaya ni Tito Fernan sa amin.
Agad naman na sumunod kaming apat kay Tito Fernan at ilang saglit pa ay masayang nagkukuwento na si Blanca sa amin na sinisegunduhan naman ni Tito Fernan na tinatawanan naman namin nina Artemis at Tita Nette.
Naputol lamang ang pagtatawanan namin ng may matinis na sumigaw na pamilyar sa amin.
"Whoah!!! Mukhang nag eenjoy kayo ah!" Mukha nang nakangiting mukha ni Seb na nakatayo na malapit sa amin ang nakita ko na tila ikina freeze ng pakiramdam ko.
"Really?" Maarteng tanong ng papasok pa lamang na kapatid ko na si Beatriz kasunod ang mga magulang ko na kapwa natigilan pagkakita sa akin.
Pero wala sa kanila ang pansin ko....
Nalunok ko na yata ang dila ko kaya napanganga na lamang ako lalo't kitang kita ko at kilalang kilala ko ang babaeng nakayakap kay Seb.
"Waaah!!!! Ate Sam Sam!" Tili ni Artemis na agad na tumayo at nilapitan ang kasama nina Sebastian.
"Artemis?" Nagtatakang tanong nito at saka nakataas ang kilay at nakangising tinignan ako.
"Marcus" nagbabanta ang mga titig nito na tila ipinaparating sa akin na wag akong magkakamali sa sasabihin ko.
"Samantha...." napapalunok na bulong ko.
