Chapter 16

3.5K 126 6
                                    

"Gusto ko na palitan yung bedlinen saka yun mga pillows palitan nyo din ng mga pillow case yun hypo allergenic lang para di madamage ang sensitive kong skin" maarte na utos ni Sam Sam sa Yaya ko.

Nakataas pa kilay nya kala nya maganda sya hello!
She looks mataray at masungit,

Hmm...pareho lang ata yun anyway nandito pa din si Sam Sam sa bahay at ayaw umalis.

"Yes po Mam" kiming sagot ni Yaya dito.

Tapos she make sigaw and shout shout kay Yaya like duh! Yaya ko yun at di ko naman sya inuutusan madalas nga kay Maya ako naglalambing tapos si Sam Sam pupunta dito sa house tapos akala mo sya na si Mommy na dapat sundin agad.

"Oh anung ginagawa mo dyan sa pintuan Artemis?" Mataray na sita ni Sam Sam sa akin.

Hala nakita pa nya ako sa pinagtataguan ko!
Ang talas naman nang mga mata nya kahit singkit na gawa nang nagrorolled eyes sya.

"Kailan ka ba aalis dito Sam Sam?" Nakasimangot na tanong ko dito at saka humalukipkip pa dito.

Umismid pa ito sa akin.

Kaasar talaga si Sam Sam!

Ngumisi ito at saka parang bibe na maglakad yun kumekendeng ang puwit na lumapit sa akin.

"Hanggang kailan ko gusto" mahina ang boses na sagot nito sa akin.

"Pero ayaw ko dito ikaw Sam Sam!" Naiinis na ako dito talaga.

Didito pa sya nang matagal eh lagi nyang inaaway ang Maya ko.

Baka mapuno na sa inis si Maya at lumayas na lang ito sa house namin.

Nameywang ito sa harap ko at saka nag make face pa.

"Then mas lalo pa akong mag iistay dito knowing na ayaw mo ako dito na magtagal" tignan mo ito nang iinis pa talaga eh.

"I hate you talaga Sam Sam!" Sigaw ko dito saka binelatan ko ito at nag walk out na ako dito.

Nadinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Sam Sam.

Kailangan na makagawa ako nang paraan para umalis na dito si Sam Sam!

----------------------




"Yaya may spare po kayo na Jar?" Malambing na tanong ko sa Yaya ko na may pinaplantsa na mga madami na kubrekama.

Nilapag ko sa mesa na walang laman ang pitcher of juice at sandwich na pinagawa ko sa Isa ko pang Yaya.

Hehehe madami akong Yaya mabait kasi ako eh.

Naupo ako sa chair na nasa likod ni Yaya at pinagmasdan ito.

Kahit na may electric fan na nakatutok dito ay pawisan pa din ito kakaawa naman...

"Dun sa ilalim nang lababo na cabinet hija kuha ka na lang dun"  di lumilingon na sagot nito sa akin.

"Thanks po Yaya" nakangisi kong sagot dito at akmang tatalikod na nang may naalala ako.

"Yaya?" Tawag ko ulit sa Yaya ko.

"Bakit Artemis may kailangan ka pa ba?" Nagtatakang lumingon ito sa akin.

"Yaya yun drinks nyo po na dala dala ko inumin nyo na po bago mawala ang lamig" sagot ko dito sabay turo ko sa dala dala ko kanina.

"Naku salamat Hija uhaw na uhaw na nga ako eh" sagot nito sa nagsalin na ito sa baso nang juice at ininom agad ito nang mabilis.

"You're welcome Yaya" sagot ko dito at saka pumunta na sa kitchen para kumuha nang Jar.

Nang makakuha na ako nang dalawang Jar at saka naghanap din ako nang kutsar na katulad nang ginagamit ni Mamang Hardinero pag nagbubungkal nang lupa at saka pumunta na ako sa may garden at nagsimula na akong maghukay.







Inaayos  ko na ang kama ni Sam Sam habang busy pa si Sam Sam sa paliligo nya nang madinig ko ang pamilyar na busina nang sasakyan sa may gate.

Sabik na sumilip ako sa may bintana at napangiti agad ako nang makita ko na papasok na ang sasakyan ni Maya.

Dali daling lumabas ako sa kwarto ni Sam Sam at bumaba nang hagdan at nang makita ko si Maya na papasok na sa malaking pintuan ay kulang na lang ay tumalon ako papunta dito.

Miss ko na talaga si Maya kahit na kaninang umaga ko pa lamang sya huling nakita kasi nga pumasok sya sa Opisina daw.

"Maya!" Tili ko saka dumamba dito.

"H---hey Artemis" natatawa naman ito na sinalo ako.

Nakipagtitgan ako dito saka ngumiti ako nang malaki dito.

"Maya pasalubong ko" malambing na ungot ko dito.

Binaba ako nito at agad na binigay sa akin ang isang stuffed na palaka.

"Wahh! Si Keropi!" Natutuwang niyakap ko ang stuffed toy at saka lumapit ulit kay Maya at tumingkayad para halikan ang pisngi nito.

"Thank you Maya" ani ko dito.
Di ito sumagot sa akin at sa halip namula pa ang magkabilang pisngi nito at tapos nun ay ginulo ang buhok ko.

"Maya tara na let's eat na" yaya ko dito sabay hawak ko sa kamay nito nang walang anu ano'y tumili nang malakas si Sam Sam.

Pagkatapos nun ay nadinig namin ang papababang yabag sa hagdanan.

"Artemis you bitch!" Galit na galit na sigaw ni Sam Sam sa akin.
Agad na nagtago ako sa likuran ni Maya.

Nagmamadaling lumapit sa akin si Sam Sam at tinangka na sabunutan ako pero maagap si Maya at niyakap ako.

"Samantha ano ba? ba't ka ba nagagalit kay Artemis" nagtatakang tanong ni Maya dito habang iniiwas ako sa mahahabang kuko ni Sam Sam.

"Bakit tinatanong mo pa kung bakit!" sigaw ni Sam Sam saka sumubok ulit na atakihin ako pero muling iniwas ako ni Maya.

"Yan magaling kong kapatid na yan nilagyan nang mga bulate ang kama ko!" Naiinis pa din na sagot ni Sam Sam dito.

Nagtataka naman na tumingin sa akin si Maya.

Tila nagtatanong ang mga mata nito.

Lumabi ako dito at saka inis na bumaling kay Sam Sam na nakaismid sa akin at nakapameywang na din ito.

Tsk...sumbungera talaga itong si Sam Sam!

Sa inis ko dito binunot ko sa bulsa nang jumper ko ang pinaka pang finale ko kay Sam Sam.

"Sam Sam oh!" Wika ko kay Sam Sam sabay bato dito nang hawak hawak ko.

Mabilis na sinalo nito ang binato ko at nang mamasdan nya ito ay unti unting  nagkulay suka na ang mukha nito.

"Yuck Palaka!"  Tili nito saka nagmamadaling tumakbo ito papunta sa Kitchen.

Mahinang napabungisngis ako dahil dun.

"Artemis..." nanigas ang katawan ko pa pagtawag ni Maya ang pangalan ko.

Patay na! Dahan dahan na nilingon ko si Maya at saka nag peace sign at mabilis na tumakbo papalayo dito.

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon