Chapter 6

3.9K 118 5
                                    

Naramdaman ko na tila may yumuyugyog sa balikat ko kaya naman kahit antok na antok pa ako ay pilit na nagmulat ako ng mga mata ko.

Nakita ko si Samantha na nakapajama at may tangan tangan na teddy bear at nakasibing nakatingin sa akin.

Teka si Samantha?

Tila agad na nawala ang antok ko nang maalala ko ang nangyari almost one week ago.

Di ako sinipot ni Samantha sa araw ng kasal namin at sumama sya sa pinsan ko na si Sebastian.

Unang nalaman ng mga magulang ni Samantha na sina Tito Teddy at Tita Sabrina iyun kaya naman agad silang gumawa ng paraan para di kami makaladkad sa kahihiyan na tatlo....

Lingid sa kaalaman ko sa huling gabi bago ang kasal namin ni Samantha ay pinakuha nila sa Abogado nila ang marriage contract namin at pumunta sila sa bahay ko at pinapirma ako nang panibago but this time sa kakambal nito na si Artemis at yun ang ipinarehistro nila...

And speaking of my suppossed happiest day...

I don't want to talk about it....

Masakit pa din dito sa dibdib ko....

Naiiyak ako pag naaalala ko na muli ay may nang iwan na naman sa akin para sa napakamagaling na Pinsan ko....

Oo nga Lalake ako pero porket ganun ang gender ko di na ba ako pwedeng magsenti ng tahimik?

Na gawin ko ay tumulad sa ibang mga brusko at matatalinong lalaki dyan na nasaktan ang ego?

Tama...yun magwala ka at manakit ng iba sisihin lahat pwera lang sarili mo....

Kasi naisip ko na kung sana di ako singboring katulad ng pagong at nagspend ako ng time na makasama at makilala pa nang lubusan si Samantha di sana baka...baka.....

Agad na pinalis ko sa utak ko ang mga agam agam na yun...
Di na tama na ikulong ko ang sarili ko sa mga what if na isipin na yun....

Wala nang Marcus at Samantha...

Sister in law ko na lamang sya pagkat Kapatid nya ang Asawa ko...

Yun na lamang yun period!

At ngayon nga ay nasa mansiyon kami nina Artemis dahil umalis na sila Tito Teddy at Tita Sabrina papuntang Amerika para sumailalim ang Tito Teddy sa operasyon nya sa puso...

Sana maging successful ang operasyon at umokay na ang lagay ni Tito Teddy...

At Si Artemis?

Eto at nakasibi na sa akin.

"May kailangan ka Artemis?" Nakangiting tanong ko dito.

Sumampa ito sa kama at saka hinawakan ang manggas ng Tshirt na suot ko.

"Gutom na si Art pati na din si Bear" nakasibing sagot nito.

Pinagmasdan ko ito nang matiim.

Kung di pa magsasalita si Artemis ay di mo malalaman na batang Isip ito....

Well ayon nga sa Tita Sabrina ay epekto ng operasyon sa sakit nya na Brain Tumor at nanatili pa sila ng ilang taon dun sa Amerika para masiguro na ligtas na nga sa peligro si Artemis.

"Yohan....gutom na ako" untag ni Artemis sa naglalakbay na diwa ko.

Napakurap ako at saka napapangiti na hinaplos ko ang malambot na abot hanggang beywang na itim na itim na buhok nito.

Napapikit ito at napangiti tanda na nagustuhan nito ang paghaplos ko sa buhok nito.

"Sorry Artemis, anung gusto mo na kainin?" Tanong ko dito.

Nagmulat agad ito nang mga mata saka itinaas ang dalawang kamay.

"Pancakes and chocolate!" Sagot nito.

Nakangiting tumango ako dito.

"Then tara na sa kitchen para maipagluto na kita ng request mo" yaya ko dito.

Agad naman na sumunod ito at magkasamang lumabas na kami nang kwarto namin....

Namin na dalawa pagkat ayaw ni Artemis na matulog sa kwarto nya at nagpalahaw talaga ito nang iyak nang di agad kami pumayag na tatlo....

"Ayaw gusto ko tabi Yohan!" Sargo na ang luha nito sa mga mata at tumutulo na ang uhog nito pagkatapos dun pa mismo sa sahig naglulupasay ng iyak nang malaman nya na hiwalay kaming dalawa ng kwarto...

Para talaga syang bata....

"Pero Art di yun talaga pwede" ani Tita Sabrina.

"Ayaw ko gusto ko tabi ko Yohan! Yohan! Yohan!" Lalong nagpalahaw ng iyak si Artemis at humiga pa sa sahig.

"Artemis stop that! Di ka na bata" wika naman ni Tito Teddy.

Napapasibing agad na bumangon si Artemis at yumakap sa akin.

"Yohan tabi mo na ako please! Please!" Pakiusap nito sa akin habang sargo na ang luha at uhog nito sa mukha.

Agad na tumingin ako sa Mag asawa tila humihingi dito nang payo kung ano ba ang dapat gawin....

Oo nga mag asawa nga kami pero nakakaasiwa pa din na katabi ko sya sa pagtulog....

Di yun dahil sa lagay ng utak nya kundi sa nararamdaman ko sa sarili ko na di maganda....

Yun Init ng katawan ko tumataas at pati ang puso ko ay napakalakas ng kabog......

Pag nagdadaiti pa ang balat namin na dalawa yun puson ko napakasakit as in napakasakit talaga na di ko alam kung bakit......

Teka di porke't wala pa akong karanasan yun na yun ha!

Di ganun yun wag kayong anu dyan.....

Wala lang akong time para magsanay saka isa pa ay nahanap ko na ang babaing gusto ko pero sadly ayaw pala nya sa akin at inamin na sa akin ni Tito Teddy na sinagot lamang naman ako ni Samantha dahil sa utos nya....

Masakit Oo....

Pero sanay na ako sa rejection kaya naman di na bago yun sa akin....

"Marcus pwede bang sa kwarto mo na matulog si Artemis?" Pakiusap ni Tita Sabrina sa akin. " Pangako di naman sya malikot matulog"

Tumango din si Tito Teddy sa akin kaya naman wala na akong choice kundi ang pumayag na din kaya naman bumaba ang tingin ko kay Artemis na nakatitig pa din pala sa akin.

At pinunasan na nya ang uhog at luha nya gamit ang manggas ng suot nyang damit.

"Okay basta ba wag kang makulit masyado at malikot matulog ha" sabi ko dito.

Agad na nagningning ang mga mata nito at nakangiting agad na nagpatango tango sa akin.

"Yehey!" tuwang tuwa si Artemis na yumakap sa akin pagkaraan ay kina Tito Teddy at Tita Sabrina naman ito pumunta.

"Gusto ko Yohan madaming madami na syrup yun pancake ko ha saka saka madami na madami yun chocolate ko" ungot ni Artemis sa akin nang makarating na kami sa kitchen.

Nakangiting tumango ako dito at naghanda na nang mga gagamitin ko sa pagluluto ng Pancake na gusto ni Artemis......

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon