Chapter 21.1

3.9K 131 6
                                    

"Artemis please buksan mo na itong pinto!" Pakiusap ko sa Asawa ko.

"Ayaw galit ato kay Maya liar ka!" Sigaw nito mula sa loob ng walk in closet.

Natampal ko na lamang ang noo at humugot ng malalim na buntunghininga.

"Pero kasi Artemis di nga pwede yung gusto mong mangyari" maingat ang bawat katagang binibitiwan ko.

"Pero nagpa kiss ka sa akin! Nagkiss tayo Maya tapos next na yung laro na prinamised mo tapos ayawan na?" Sagot nito sa akin.

"Artemis...." di ko alam kung papaanong paliwanag na maiintindihan nito ang dapat na sabihin ko dito.

Kanina nang pakiwari ko ay matatangay na ako sa halik na pinagsasaluhan namin ni Artemis ay nayakap nang isang kamay nya ako sa may leeg ko habang yun isa pa ay nasabunot ang buhok ko.

Masakit ang pagkakahawak nya sa buhok ko pakiramdam ko sa bawat paghila nya sa buhok ko ay natatangay pati na anit ko.

At habang lumalalim ang halik na pinagsasaluhan namin at buong kapangahasan na dinadama ng dalawang palad ko ang kabuuan ng katawan nya ay umungol ito na nagpabalik sa wisyo ko at tarantang naitulak ito.

Mabuti na lamang at sa kama naming mag asawa ito napahiga kaya di ito nasaktan.

Pero eto na nga po sa kasalukuyan na problema ko.

Nagtatampo si Artemis sa akin dahil sa pag ayaw ko sa gusto nyang mangyari ito at nagkukulong sya sa loob ng closet.

At kahit anung amo ko dito ay ayaw lumabas.

God....paano ko ba ipapaliwanag sa Asawa ko na di....pa namin pwedeng gawin 'yun'.....?

Di sa ayaw ko....pero parang di tama na gawin ko yun.....namin lalo pa sa kalagayan nya....

Lalo pa't ang tingin nya ay isa lamang itong laro salamat sa kakambal nya at pinsan ko!

Oo...nandun na tayo naakit ako...nadarang at muntik nang makalimot salamat na lamang at nagising ako at napigilan ko ang sarili sa muntik nang mangyari....

Masakit nga lamang sa puson... napapabuntunghininga na napakamot ako sa batok ko.

"Artemis please lumabas ka nya diyan.....nagugutom na kasi ako pero gusto ko na kasabay kang kumain....ayaw mo bang makasalo ako ha Artemis?" Malambing na sabi ko dito.

Pero walang naging pagtugon mula dito.

Muli ay napailing na lang ako at akma na sanang kakatok ulit nang dahan dahan na bumukas ang pinto nang walk in closet at sumungaw ang nakalabing si Artemis.

Agad na nagalak ako at ngumiti nang matamis dito.

"Artemis salamat naman at lumabas ka na!" Masayang bulalas ko.

Lalong nanulis ang labi nito pero ewan ko ba at tila nacu cutetan pa ako sa kanya.

"Ayaw ko lang mautom ka Maya ko, pero tampo pa din ako sa iyo" masungit na sabi nito sa akin at saka binuksan ng malaki ang pinto ng closet at pinameywangan ako.

Nakangiti na tumango lamang ako dito at saka dinalawang hakbang ang pagitan namin at saka mahigpit na niyakap ito.

"Maya utom ka ba at napupunta ta na sa atin para buhat kita punta sa kitchen?" Nagtatakang tanong nito na hinagod hagod pa nang dalawang kamay nito ang likod ko.

Napatawa ako nang mahina sa tinanong nito.

"Nope...I just want to embraced you my Wife...feel your warmth body beside mine.... just simple as that is already enough for me" bulong ko dito.

Di pa ito ang tamang panahon para mag isa kaming dalawa.....
Artemis need a parent, a friend, a companion, for now kaya naman as his husband...
I will patiently guide her, teach her and cared for her just for now....
Also to know all about her.....

"Eh? Maya anung ibig sabihin nun di ko ma gets?" Kulit nito sa akin.

Bahagya kong nilayo ang katawan ko dito at gamit ang dalawang palad ko ay kinulong ko ang hugis puso nyang mukha at matiim na tinitigan.

"Ang ibig kong sabihin...." ngumiti ako nang pagkatamis tamis dito.
"Tara kumain na tayong dalawa kasi gutom na gutom na talaga ako" natatawang sabi ko dito.

Nagsalubong ang dalawang kilay nito at muli ay lumabi sa akin.

"Kasi puro ka basa at sulat di mo naman yun nakakain dapat minsan pagkain naman ang hawakan mo para di ka gutom" nakairap na pangaral nito na sa akin.

Napatango na lamang ako dito at hinila na ang kamay nito papalabas ng kuwarto....



Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon