"Maya!" Tawag ko kay Maya nang mapansin ko na wala sya sa tabi ko.
Akala ko nasa likod ko sya at binabantayan ang pagba bike ko tapos wala pala sya.
Iniwan ko na lang yun bike sa gilid nang kalsada para hanapin nga si Maya.
Mabagal din ang paglakad ko mahirap na malagpasan ko pa sya di pa kami magkita.
Kung minsan kasi mahina ang pandinig ni Maya baka di nya ako madinig mawala pa sya di ba?
"Maya!" Muling ulit ko at lumapit pa ako sa malalagong halamanan at pumasok.
"Maya where are you na ba?" Napapasibing nausal ko na lang at napangiwi ako nang nasugatan ako ng mga stems nang halaman na nadadaanan ko.
Gumapang ako nang mabilis at huminga nang malalim nang makalabas ako at pinagmasdan ang mga braso ko na nasugatan.
Napangiwi ako at napaiyak na nang tuluyan.
"Maya nasan ka na ba may wounds na ako kakahanap sa iyo pakita ka na!" Asar na nasambulat ko.
Napaupo ako sa damuhan at nayakap nang braso ko ang dalawang tuhod ko at sumubsob ako dito.
"Maya.....Maya...." napapahikbing tawag ko kay Maya.
"Thank you Marcus for helping me" nading ko na wika nang isang boses babae.
"Okay lang Miss paano mauna na ako sa iyo" napaangat ako nang ulo nang madinig ko ang boses ni Maya na nagmumula sa likuran ko.
"Teka wait... Ititreat pa kita nang drinks wag ka munang umalis" pakiusap nung nadinig ko na boses babae kanina.
"Ha?...ano kasi" naningkit ang dalawang mata ko at asar na tumayo ako saka humarap sa Maya ko at dun sa Girl na nadinig ko kanina.
"Maya..." tawag ko kay Maya ko at saka tumalon sa damuhan at agad na yumakap dito.
"Artemis!" Nagulat man ito ay gumanti ito nang yakap sa akin na kinatuwa naman nang puso ko.
"Hanap kita Maya sugat ako Maya oh!" sabay pakita dito nang galos ko.
Agad na bumadha ang pag aalala sa mukha ni Maya at hinawakan agad ang braso ko na may galos.
"Sorry Artemis at pinag alala kita masakit ba?" Nag aalalang tanong nito sa akin.
Nakangiti na umiling ako dito.
Kasi di na naman masakit yun mga wounds ko kasi nandito na si Maya sa tabi ko.
"Di na sakit Maya peyo gusto ko nang umuwi pagod na ako utom pa ako" sagot ko dito.
"Ganun ba halika ka" Inakbayan ako nito sa balikat ko at akma na sanang aalis nang muling magsalita yun Babae kanina at humarap pa sa dadaanan.
"Ahm wait! Marcus kapatid mo?" Tanong nito sabay turo sa akin.
"Ah ano kasi---" napapakamot sa mukha nito si Maya.
Umasim naman ang mukha ko.
Bagal bagal magsalita Maya inis na ako!
Napapalakpak yun babae bigla na kinataka ko.
"Ah alam ko na kapatid mo sya nuh?" Nakangiti pa ito na lumapit sa akin at sinipat ako nang mabuti.
Nailang naman ako at kumapit pa lalo sa katawan ni Maya.
"Ah hindi---"
"Cousin?" Umiling naman agad si Maya.
"Eh ano mo pala sya kundi sya kapatid o pinsan mo?" Takang tanong nito.
Nag uumpisa na naman akong maasar kaya naman tinantan ko na ang braso ni Maya.
"Maya uwi na tayo utom na ako please" pakiusap ko kay Maya.
"Wait lang saglit Artemis" anito sa akin.
Napasibi ako sa sinagot nito at suminghot singhot at ilang saglit pa ay ngumawa na ako nang pagkalakas lakas.
"Waaaahh! Ayaw Maya uwi na kami waaaahh!!" Atungal ko at sumalampak pa sa kalsada at nagpapapadyak nang nagpapapadyak.
"Artemis tahan na wag ka nang umiyak okay uuwi na tayo" alo naman ni Maya sa akin at pilit na itinayo ako at pinagpag pa ang damit ko na nadumihan.
"Talaga?" Humihikbing tanong ko dito habang nagpupunas ako ng mga luha sa mata ko.
Nakangiti naman na tumango ito sa akin kaya naman napanatag na ang loob ko at dali daling inayos ang mukha ko at agad na yumakap ulit kay Maya.
"Ah Marcus gusto mo na samahan ko kayo?" Alok ulit nun makulit na babae kay Maya.
Lalo akong nagsumiksik kay Maya.
"Ayaw Art sama sya kulit sya gusto ko ako lang sama ni Maya" bulong ko kay Maya.
Naramdaman ko na hinaplos nito ang buhok ko.
"Okay lang Miss malapit lang naman ang bahay namin dito at di ba may pupuntahan ka pa?" Wika ni Maya dito na kinasinghap nito.
"Ooopps oo nga pala nakalimutan ko na pano mauna na ako sa inyong dalawa" nagmamadali na paalam nito at saka patakbong umalis na.
"Maya sino yun?" Nagtatakang tanong ko kay Maya.
"Ah nagtatanong lang kung saan yung Clubhouse" sagot ni Maya sa akin.
Sumibi ako dito saka yumakap ulit dito.
"Di ka naman pulis Maya para tanungan nya may mga guard naman yun nga yung isa oh" sabay turo ko kay Manong Guard na naglalakad.
Natawa naman nang mahina si Maya at ginulo ang buhok ko.
"Halika na nga Artemis at kumain na tayong dalawa" yaya nito sa akin sabay kayag sa akin paalis sa Park.