Chapter 15

3.6K 143 9
                                    

"Artemis we need to talk" tawag ko kay Artemis na papaakyat na sa hagdan papataas.

Nakasibing lumingon sa akin si Artemis at nagdadabog na lumapit sa akin.

Awtomatikong nahilot ko ang ulo ko dahil tila lalong sumakit ang ulo ko dahil sa inaasal nito.

Umupo ako sa sofa at saka inimuestra ko kay Artemis ang tabi ko na gusto ko na lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.

Nakasimangot at nakahalukipkip na umupo ito sa tabi ko.

Bumuntunghininga ako at saka inakbayan ito at inihilig ang ulo dito sa dibdib ko.

"Bad sila Maya kaya ko gawa yun" nakalabing umpisa agad nito sa akin kaya naman di ko napigilan na di mapangiti at haplusin ang ulo nito.

"I know pero dapat di mo pa din ginawa kasi di tama yun Artemis" dahan dahan ang boses ko na pangaral ko dito. "Wag mo nang uulitin yun ha"

Napaismid ito sa sinabi ko.

"Ayaw!"

"Artemis...." napapailing na nasabi ko na lang nang makita ko sa mukha nito ang pag ayaw sa gusto kong mangyari.

"Sam sam is bad pati Bea pangit sila di kasi sila kumakain ng gulay kaya bitter sila" naniningkit ang mga mata na muling wika nito.

Napapikit na lamang ako at napatingala dahil tila ako ang susuko kay Artemis.

Tigas nang ulo haist....

"Maya punta na tayo sa room antok na Artemis" humihikab na untag nito sa akin.
Nagkusot pa ito ng mga mata at lalong sumandig sa dibdib ko at iniyakap pa ang dalawang kamay sa leeg ko.

Naku umiiwas na naman itong si Artemis na mapangaralan....
Maparaan talaga... naiiling na naisip ko na lamang.

"Okay mainam pa nga na matulog na tayo" sumusukong sagot ko dito at akma na sanang tatayo nang hawakan nito ang braso ko.

Kaya naman nagtatakang lumingon ako dito.

Matamis ang pagkakangiti nito kaya naman kinabahan akong bigla.

"Maya karga mo to" lambing nito sa akin.

Sabi na eh.....

-----------------

Kapwa kami natigilan ni Artemis nang pumasok kami nito sa Dining Room at nakita namin si Samantha na prenteng kumakain ng fruits.

"S---samantha what are you doing here?" Takang tanong ko dito.

Nakataas ang isang kilay ni Samantha nang lumingon sa amin ni Artemis.

"Why bawal na ba ako sa bahay na ito kasi sa pagkakaalam ko bahay ito ng mga magulang ko Marcus" may diin na pagkakabigkas nito.
"Bahay namin"

Nakaramdam ako nang pagkainis sa paraan ng pagkakasabi nito na para bang pinamumukha nya sa akin na sampid lamang ako sa bahay na ito.

Naramdaman ko ang pagkapit ni Artemis sa braso ko.

"Asawa ko Sam Sam si Maya kaya kung san Artemis dun si Maya" singit ni Artemis sa amin.

Naningkit bigla ang mga mata nito nang mabaling kay Artemis ang paningin nya.

Padarag na tumayo ito mula sa silyang kinauupuan at mabibilis ang mga hakbang na lumapit sa amin si Samantha at dinuro si Artemis.

"You!" Duro nito kay Artemis. "dahil sa iyo napahiya ako kina Seb how dare you para gawin yun kay Beatriz" singhal nito kay Artemis.
"Isip bata ka na nga wag mo nang ipangalandakan pa kasi ako ang napapahiya di ikaw!"

"Ah kapatid ko si Beatriz Samantha---"

"Kinakausap ba kita Idiot?!" Naiiritang singhal ni Samantha sa sinasabi ko.

Napapikit ako at napangiwi dahil sa inaasta nito sa akin.

Di ako makapaniwala na eto pala ang totoong ugali ni Samantha, To think na halos kalahating taon na kaming na magkarelasyon at ang akala ko na Prim at Proper na Fiancee.. err well Ex fiancee to be exact ay mataray maldita at estupida...

Paano ko nasabi?

Hello kapatid ko yung tinapunan ni Artemis nang butike,
At di naman si Blanca na kapatid ni Sebastian...meaning sa akin mas lalong magagalit si Beatriz kasi ako ang Asawa ni Artemis at di si Sebastian...tanga tanga....

Naramdaman ko na bumitaw si Artemis sa akin at nakita ko na tumakbo ito papunta sa may Kitchen.

"Look what you done to my wife" naiinis na sita ko kay Samantha.

"Hah? Wife wow naman Marcus feeling perfect hubby ka na sa retarded kong kakambal?" Nanunuyang sabi nito pa akin.

Lumapit pa ito nang malapit sa akin at inilapit nya ang mga daliri sa baba ko at saka hinaplos ang pisngi ko.

"Nakalimutan mo na ba ako agad nang ganun kadali? Oh baka naman nakikita mo ako sa kakambal ko kaya ganun ka overprotective kay Artemis, hmm my darling ex fiance" nanigas bigla ang mga balahibo ko sa katawan sa paraan ng pagkakasabi nya.
Pinalis ko ang mga daliri nya sa mukha ko at saka humakbang papalayo dito saka tumalikod.

"Wait saan ka pupunta?" Tanong
nito sa akin.

"Sa Asawa ko" sagot ko dito na ikinatawa nito nang malakas saka mahinang pumalakpak.

"Bravo! Bravo! Believe na ako sa iyo Marcus bagay talaga kayo ni Artemis Isang Isip bata at Isang uto uto oh well goodluck na lang sa bubuuin nyong Family" sabi nito sa akin.

Agad na bumaha sa dibdib ko ang pagkagalit sa sinabi nito tungkol kay Artemis kaya naman madilim ang mukha na hinarap ko ito para lamang mapanganga sa nakita ko.

Si Artemis may dala dalang balde at sinaboy nito kay Samantha ang laman nito na kulay berde na malapot na likido.

Parang Slime yata yun tinapon nya kay Samantha....

"Artemis!" Napapasinghap na sigaw ni Samantha sa kakambal nito.
Tinangka nito na puntahan si Artemis pero nadulas ito at napasubsob sa sahig.

"Samantha my Twin don't you remember that everyone messes with me, I will punish them and that include you my dear sister" wika ni Artemis sa kakambal nito saka binelatan nito ito.

At parang modelo na naglakad ito papunta sa akin at kumapit sa braso ko.

"Maya guto ko pancake" ungot nito sa akin.

Pinagmasdan ko itong mabuti saka bumaling kay Samantha na nakadapa pa din sa sahig pagkatapos ay naiiling na naglakad na kami ni Artemis papunta sa kitchen.

"Hey wait san kayo pupunta di nyo ba ako tutulungan na makatayo! Artemis! Marcus!" sigaw nito sa amin pero pinagbingi bingihan ko lang.

Bahala ka dyan....

Kasalanan mo yan eh....

Bought by my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon